features

Part 2. Senator Tito Sotto denies plagiarizing; says he quoted an expert, not a blogger

by Rommel R. Llanes posted on September 19, 2012  STATS: 906 Views | 48 Comments

“Ba’t ko naman iko-quote yung blogger? Blogger lang yun. Ang kinu-quote ko si Natasha Campbell McBride,” is Senator Tito Sotto's reaction when told that he is accused of plagiarizing a blogger for his Senate speech against the RH Bill.

Photo By: Melo Balingit

Naging panauhin sa ANC show na Headstart kaninang umaga, August 16, ang ngayo’y kontrobersiyal na mambabatas at Eat Bulaga! co-host na si Senator Vicente “Tito” Sotto III—o mas kilala bilang Tito Sotto o Tito Sen.

Kontrobersiyal sa kasalukuyan si Senator Sotto dahil sa posisyon nito laban sa pinagtatalunang Reproductive Health Bill, o mas kilala sa bansag na RH Bill.

Nilalayon ng panukalang batas na ito na magkaroon ng malawakang kampanya ang gobyerno at mga pribadong sektor para sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa epektibong pagkontrol ng pagbuo ng sanggol.

Sa kanyang “turno en contra” speech sa Senado nung Lunes, Agosto 13, ipinahayag ni Senator Sotto kung bakit siya lubos na kontra sa panukalang batas, na magkahiwalay na iniakda nina Albay Representative Edcel Lagman at Senator Miriam Defensor-Santiago.  

Inihayag niya ang nakasasama diumanong epekto ng paggamit ng kontraseptong birth control pill o mas kilala sa maikling “pills.”

Ginawa pa niyang halimbawa ang naging malungkot na karanasan nila ng kanyang asawang si Helen Gamboa.

Naging maramdamin pa ang senador sa kanyang speech, nang ikuwento kung paanong namatayan sila ng anak, na dapat sana’y una nilang panganay na lalaki.

Namatay ang sanggol limang buwan matapos ito isilang dahil sa mahinang puso nito.

Naging usap-usapan ang kontrobersiyal at ma-emosyon na talumpating ito ni Senator Sotto dahil na rin sa pag-iyak nito habang nagtatalumpati.

Ngunit agad itong sinundan ng isa pang kontrobersiya—ang akusasyong “plagiarized,” o kinopya ng senador, ang parte ng kanyang speech mula sa isang blogger.

(CLICK HERE to read related story.)

SENATOR SOTTO ANSWERS. Sa panayam kay Senator Sotto ng host ng Headstart anchor na si Karen Davila kaninang umaga, sinagot ng senador, tuloy-tuloy at punto por punto, ang mga objections sa kanyang Senate speech.

Naisingit din ni Karen sa kanyang pagtatanong ang kontrobersiyang inilabas ng Filipino blogger na si Alfredo R. Melgar, tungkol sa diumano’y “plagiarism” ni Senator Sotto sa blog entry ng U.S.-based blogger na si “Sarah, The Healthy Home Economist.”

Sagot ni Sotto, “Natatawa ako nung marinig ko 'yan.

"Kasi yung blogger na sinasabi nila… hindi, 'wag na nating pag-usapan kung transitive verb o intransitive verb 'yan, kasi itong blogger na sinasabi nila, e, pareho kami ng pinagkunan, e.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

48 Comments

  • 48  keen_observerKSA

    08/25/2012 | 03:26 PM
    COPY PASTE KING BWAHAHAHAHAHA....YAN ANG PRODUKTO NG ISKOL BUKOL.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 47  worldpeace07

    08/17/2012 | 04:28 PM
    Punta kayo sa squatters area ng malaman nyo ung epekto ng madaming anak. Ning nagaaral pa ako pumupunta kami sa mga squatters area para mag educate tungkol sa family planning pero xempre wala nman resources ung mga Tao dun para bumili ng mga tools para sa family planning. Di Lang pills ang method madami p mga condom, IUD, calendar method. I'm pro RH kc pag nakita mo situation nila dun nkakaawa kc sunod2 ang anal ngssiksikan sa napkaliit na space ang ddungis taz ang dumi2 ng environment. They kept blaming the government dahil nghihirap sila, eh Kung try nila maging responsibleng magulang Di sana kahit papno maaleviate ung poverty nila. Wala nman help yang catholic na yan sa kanila shooooo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 46  simonberks

    08/17/2012 | 01:06 PM
    C'mon guys! Bago kau magcomment, know the story first. The staff of Sen. Sotto copied the portions of the blog Verbatim. The blogger referred from the book and she wrote it based on her understanding, wrote it in her own words and those words were the one included in the speech. And mind you guys, 5 blogs pa pala ang pinagopyahan ng speech ni Sotto. I feel ashame for Sotto coz may iyakan pang nangyari, yun pala part of the script. Obviously, he has the motive of getting the sympathy of the filipinos and The Church in particular for what.... For popularity...for votes. Sadly, nag-backfire lahat sa kanya. Digital na talga ang karma. For Sen. Sotto, please be humble enough to accept your fault. For Sotto's staff, nakakahiya kau lalo ka na Atty. Villacorta, the guts of sending unsincere apology to the blogger? Sana, magpakumbaba na kau, huwag kaung selfcentered. God bless!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  rochelle

    08/17/2012 | 09:55 AM
    This is really a shame. His own speech and yet didnt know where d it come from...parang hoy mga staff igawa ninyo ako speech sa senado. Ano ba ginagawa nya parang script ng pelikula na ready to dub...senator huag ninyo pong dalhin sa senado ang nakagawian ninyo nung artista pa kayo. But we have to thank you senator because of you naging aware kami sa plagiarism at nging inspiradyon ka ng karamihan na huag tularan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 44  cindylupa

    08/17/2012 | 05:23 AM
    Take some responsibility already, senator, please! -- you're adding more insults to the situation and making a fool of yourself! Learn to accept your mistake and man-up. Just like those parents that keep popping babies without responsibility, senator Sotto is such a good poster boy for them!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  lolamo68

    08/17/2012 | 05:03 AM
    p.s. sayang ang pag-iyak mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 42  lolamo68

    08/17/2012 | 05:01 AM
    Pure laziness. Fire your speech writer.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 41  gummybears6

    08/17/2012 | 04:21 AM
    Yan kasi binoto pa walang alam!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 40  Syete

    08/17/2012 | 04:05 AM
    You're pathetic Mr Senator.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 39  liwayway

    08/17/2012 | 02:36 AM
    he's a true politician---huling huli na nga, todo deny pa. and in his denial, tito sotto showed exactly what kind of brain he has---one that could not distinguish between the 1blogger whose words sotto plagiarized and 2the doctor that the blogger is discussing in the blogger's own words.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 38  pinoycali_ako

    08/17/2012 | 12:12 AM
    Ayun na huli ang pagka feeling competent mo sa Senado. Lahat ng Tao alam na plagiarism ang ginawa mo, ni Hindi mo nga paraphrased then cite it, kini pay mo pa word for word then made it your own! Kakahiya ka talaga tapos pa against ka pa sa RH bill, walang basis pa! QUIT the senate!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 37  JulieD

    08/16/2012 | 09:32 PM
    Nakakahiya k skol bukol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 36  dream79

    08/16/2012 | 09:23 PM
    Ang daming batas na naipasa pero walang nangyari,naipatupad ba ng maayos? Magaling ang Pinoy sa debate, pero hangang debate lang walang implementation at disiplina sa batas. Si Sotto naman dapat nagresearch sya ng maayos hindi yong nag-quote at kinopya ang speech sa internet. Word for word pa, di man lang binanggit ang source ng kinopya nyan.,di man lang nag effort na gamitin ang sariling utak at magproduce ng original na speech.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  Elite_Us

    08/16/2012 | 09:14 PM
    ay naku! anti RH bill ako. bat gagastos pa ang government para lang sa bill na to. gayahin na lang sa china na may 2 child policy, saka if my RH bill para na din may supporta ang government sa pre marital sex, dapat kasal muna bago gumawa ng bata.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 34  cj_03

    08/16/2012 | 08:43 PM
    Go RH Bill go go go...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 33  jagjof

    08/16/2012 | 08:08 PM
    Napaka-OA talaga ng ibang pinoy na mag-react sa isang issue....Kung makapag-react sa sinabi ng director ng Bourne Legacy, sobrang drama na akala mo niyurakan at nilapirot na ang pagkatao nila.... Tapos eto namang issue na plagiarism ni Tito Sotto, may nag-aapologize pang mga pinoy sa isang blogger na hindi din naman siya ang source, kung hindi isang expert. Yung blogger na yun ay tulad din lang natin na nagbibgya ng opinion sa isang issue at hindi din siya expert sa field na yun kaya may source din siya na experto.....at ganundin ang ginawa ni Tito Sotto tapos ngayon, humihingi pa ng paumanhin ang ibang pinoy....hay naku! Yan feeling celeb tuloy yung blogger dahil sa kagagawan ng kalahi ni Juan Dela Cruz!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 32  iam_a_tvfan

    08/16/2012 | 07:52 PM
    at si karen pa talaga ang naginterview...musta naman ang plagiarism issue kay gina este karen? lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 31  iam_a_tvfan

    08/16/2012 | 07:48 PM
    mukhang may punto naman din ata sya, pareho sila ng source nila nung blogger, so bakit ikoquote ng speech writer nya ang blogger kung dun naman sa libro or article nung expert nila nakuha yon. Di rin natin alam, baka kinopya lang din ng blogger verbatim. At sa mga mahilig gumawa ng beybi, di po kailangan ng RH bill para makontrol yan...dami namang natural na paraan, bago mag tsuktsak tienes isipin muna kung may sapat na hanapbuhay at pera ba para sa mga basic needs, may pampaaral ba sa mga anak... kung ang sagot ay wala, kamayin na lang muna di kaya antay antay kung kelan safe si esmi. That's responsible parenthood...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  jagjof

    08/16/2012 | 07:47 PM
    Naiitindihan ba ng mga tao dito ang salitang plagiarism? parang hindi kung makapag-react. Personally hindi ako natutuwa na ginamit ni Tito Sen ang kanyang boto sa RH Bill para sa sarili nyang personal na experience at hindi nya tiningnan ang mas malaking issue ng RH Bill at apekto nito sa Pinas. BIlang isang lawmaker, dapat ilabas nya ang sarili nya at iboto kung saan mas magbebenefit ang mas nakakaraming pilipino. Pero yung tungkol sa blogger, WALANG KARAPATAN itong blogger na mag-akusa dahil hindi sa kanya galing ang source at kung hindi sa isang expert na si Natasha Campbell. Pwede muna namang gamitin sa isang speech mo ang isang source na experto sa isang field kung para patunayan ang argumento mo. Buti na lang binasa ko ang buong article hidni tulad ng iba dito na hindi ata naiintindihan ang salitang plagiarism basta nagco-comment na lang.........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  daredeviltry

    08/16/2012 | 07:17 PM
    so ung ni quote ay galing sa isang expert at hindi sa isang blogger malinaw na sinabi yan, ang mga pro RH bill gumagawa ng paraan para siraan ang mga anti RH bill shame on you
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About