Rufa Mae Quinto on whether Mikey Arroyo is Mr. M: "Para matapos na, siya ang tanungin n'yo."

Rose Garcia
Monday, July 05, 2010 @ 08:04PM  |  3963 views


  "Basta ako, wala akong ginagawang masama. Kung sinuman ang sinasabi nila, okey lang sa akin. Basta ang importante, I'm happy, I'm doing my job. Kung tungkol kay Mikey Arroyo, okay, para matapos na, siya ang tanungin n'yo. Dahil ako, wala akong sinasabi tungkol sa kanya. Hindi ko sinasabi na siya si Mr. M at wala akong masasabi talaga, e," says Rufa Mae Quinto about mystery man linked to her.

Photo By: Noel Orsal













Noong June 27 episode ng Showbiz Central ay napili ng entertainment columnist na si Ricky Lo si Rufa Mae Quinto among the hosts of the show upang umupo sa special edition ng segment na "Don't Lie To Me." Dito nga lumabas ang codename na "Mr. M" bilang pantukoy sa hanggang ngayon ay hindi pa rin mapangalanang fiancé raw ng sexy comedienne.         

May lumabas na balitang hindi na raw matutuloy ang kasal ni Rufa Mae kay "Mr. M", pero itinanggi ito ng aktres at sinabing tuloy, pero hindi pa nga lang niya alam kung kailan. 

MYSTERY BOYFRIEND. Kahapon, July 4, sa Showbiz Central pa rin, ang mga co-host niyang sina John "Sweet" Lapus, Raymond Gutierrez, at Pia Guanio ang nagtanong at umurirat kay Rufa Mae kung sino nga ba talaga ang Mr. M.

Hindi kaya Mr. M ang code name ni Rufa Mae sa kanyang mystery boyfriend dahil may letter M sa pangalan nito?

"E, siguro naman may M ang name niya, di ba? Ako nga, meron, Rufa Mae!" natatawang sagot ng komedyana.

Ayon naman kay Sweet, naiintindihan nila kung gusto ni Rufa Mae na maging private this time ang kanyang lovelife. Pero dahil hindi napapangalanan at napag-uusapan naman, nagsanga-sanga na ang isyu.

Sang-ayon naman ni Rufa Mae rito. Aniya, "Oo nga. Hindi na ako sensitive. Alam ko naman ang totoong nangyari. Kumbaga, bilang may kapartner, kung mawala man ang lahat, ayawan ako, wala na akong magagawa. Pero ang importante sa akin, solid ako, pamilya ko. Alam ng Diyos ang totoo. At kayong mga friends ko, alam n'yo ang totoo. Nirerespeto n'yo lang siguro ako."

Tinanong naman ni Pia si Rufa Mae kung nanggaling ba mismo sa guy at ito ang request na gawing private ang relationship nila.

"Actually, hindi naman," sagot ni Rufa Mae. "Huwag lang sigurong garapalan ang labas ko sa TV. Yung name-dropping pa. Pero parang naman nandito ako, usapang kasalan pa rin, di ba? Nandito ako nagpapa-interview. Sumasagot naman. Masaya naman ako palagi. Wala naman siyang kontra. Mukhang happy naman siya."

Raymond asked Rufa Mae kung kailan niya ipakikilala, lalo na sa mga fans niya, si Mr. M o ang mystery guy sa buhay niya. Bilang isang artista, Raymond believes that she owes it to her fans.

"Well, yun ang hindi ko pa naitatanong sa kanya. Kasi, ayoko naman nang puwersahan, di ba? Bahala na siya. Ngayon, kung nanonood siya, i-text na lang kayo at please lang, lahat ng tanong n'yo, sagutin na lang niya," sabi ni Rufa Mae.

Tuloy pa ba ang kasal?

"Alam n'yo, para wala na lang maraming sanga-sanga pa, isa na lang ang litanya ko na puwedeng sabihin—we will see when we get there. Or in Tagalog, sa tamang takdang panahon, malalaman nila. Time will reveal," pahayag ng sexy comedienne.

Saan ba ang magiging kasalan?

"Yun nga ang pinag-iisipan ko nga. If ever, out of town lang. Gusto ko sa Amanpulo or sa Paris. Depende nga kung saan. Alam n'yo po ang pagpapakasal, mahirap, a. Taon 'yan! At hindi parang kanin na isusubo lang, tapos luluwain mo, di ba?" paliwanag ni Rufa Mae.

1  2  Next »

Related Articles

150 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name