Jennica Garcia on Alwyn Uytingco: "Nahihiya ako sa mga ipinaparatang sa kanya."

Rey Pumaloy
Sunday, August 08, 2010 @ 04:32PM  |  33 views


On being seen in bars with rumored boyfriend Alwyn, Jennica has this to say: "Alam mo, matagal na kasi kaming magkaibigan ni Alwyn kasi iisa kami ng manager. Bago pa, lumalabas na talaga ako.  Ano namang masama ngayon kung  lumalabas ako? Hindi naman ako umuuwi na wala na ako sa wisyo, na hindi na ako maayos. Pag gumigimik ako kasama ang mga kaibigan ko, paminsan-minsan!  E, ano namang masama no'n kung sa gano'ng paraan natatanggal ang stress ko?"

Photo By: Noel Orsal













Nagsimula sa drama ang young actress na si Jennica Garcia pero tila nalilinya  na siya ngayon sa mga comedy roles. Una siyang nasabak sa comedy na Ako si Kim Samsoon ni Regine Velasquez at pangalawa sa Adik Sa 'Yo na pinagbidahan ni Dennis Trillo.

Ngayon naman ay nasa latest sitcom siya ng GMA-7 na JejeMom starring Eugene Domingo.

Hindi raw niya maipaliwanag nang husto ang sayang naramdaman niya nang malamang kasama siya sa bagong TV project ng nagrereyna ngayong Comedy Queen. Iba raw kasi si Uge. "Wala talagang ka-ere-ere," sabi ni Jennica, na marami-rami na rin daw ang nakatrabaho na beterano sa showbiz.

"'Tapos yung punchline niya, sobra pang nakakatawa... Yung mga sinasabi niya kay Chariz [Solomon] natutuwa talaga ako," kuwento pa niya.

LEARNING FROM UGE. Kung nai-intimidate ba siya sa batuhan nila ng comedy ni Eugene, "Hindi," ang mabilis na sagot ng young actress.

"Sa totoo lang, wala nga akong maramdaman sa kanyang gano'n, e.  Hindi ko pa napi-feel yung gano'n.  Kasi so far, yung mga nakakatrabaho ko naman very accommodating, very hospitable. Siguro kung yung iba na may aura na, 'Ay, scary!', yun siguro, mahihiya ako, matatakot ako.  Pero yung kay Ate Uge, wala talaga.  Walang star factor!"

Anong pagko-comedy ang natututunan niya kay Uge?

"Yung ano, may variations.  Hindi puwedeng palagi kang hyper.  Hindi palaging malakas  lahat ng bitaw mo ng salita.  Puwedeng relax ka lang tapos sa dulo mo lang isusundot yung mga nakakatawa mong hirit," sabi ni Jennica.

Ganoon daw ang ginagawa ni Eugene para hindi maging predictable ang kanyang comedy.

"Minsan nga sa rehearsal ginagawa na niya, 'tapos magugulat ka lang pag take na biglang may mababago.  Tatawa ka na lang na tatawa.  Pero hindi niya yun ginagawa para gulatin ka or ma-intimidate ka.  Kasi minsan sa rehearsal, 'Ay! Bago ito, idadagdag ko ito.'  'Tapos iisipin niya uli at pag nag-take saka niya uli gagawin," patuloy pang kuwento ni Jennica.

NO ESCAPE FROM ALWYN QUESTIONS. Si Carl Guevarra ang ka-love team ni Jennica sa series pero napunta ang tanong tungkol sa rumored boyfriend niyang si Alwyn Uytingco.

"Yung kay Alwyn, ilang beses ko na pong sinabi na ayoko na po na sanang pag-usapan, kasi may mga tao na rin akong nasasaktan na nakakahiya... At saka wala rin naman akong kinu-confirm.  Basta, ibalato na lang ninyo sa akin," pakiusap ng dalagang anak ni Jean Garcia.

Masaya ba siyang kasama si Alwyn?

"Masaya akong kasama si Alwyn.  Kung yun po, oo.  Ayoko na lang po talaga na masama siya lagi sa usapan, pasensya na po," paliwanang ni Jennica.

Natatakot ba siya na maintriga sila at tapos ay mauwi lang sa wala?

1  2  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name