Masaya na malungkot ang teen star na si Kristoffer Martin sa pagbabalik sa ABS-CBN ng kanyang co-star sa Endless Love na si Kathryn Bernardo.
Sina Kristoffer at Kathryn ang gumanap bilang mga batang Johnny (Dingdong Dantes) at Jenny (Marian Rivera) sa primetime series ng GMA-7 na Endless Love.
Parehong galing sa ABS-CBN at Star Magic ang dalawang teen stars. Pero pagkatapos ng Endless Love ay nanatili si Kristoffer sa GMA-7, samantalang bumalik sa ABS-CBN si Kathryn.
"Nakakalungkot po kasi kasisimula pa lang ng love team namin, buwag na kaagad," sabi ni Kristoffer sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
"Nakakapanghinayang kasi maganda naman po yung kinalabasan nung tandem namin at maraming nagsasabing bagay daw kami on and off screen.
"Tatlong fans club na nga ang meron kami kahit isang show [Endless Love] pa lang yung pinagsasamahan naming dalawa.
"Kaya kahit nga sila, nalungkot nang malaman nila na hindi na kami magkakapareha ni Kathryn dahil bumalik na siya sa ABS-CBN.
"Pero sabi naman ng mga fans namin, kahit nasaan kami, patuloy pa rin naman daw nila kaming susuportahan."
Nakausap ng PEP si Kristoffer sa pictorial ng upcoming episode ng Lovebug, ang "Tween Hearts," sa third floor ng GMA Network Studios noong Sabado, September 18.
Kasama ni Kristoffer sa cast ng "Tween Hearts" ang kapwa niya Tween Stars ng GMA-7 sa pangunguna nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.
BACK TO ABS-CBN. Katulad ni Kathryn, may offer din daw si Kristoffer na bumalik sa ABS-CBN. Pero mas pinili nga niyang manatili sa Kapuso network dahil ito ang nagbukas ng pinto para makabalik siya sa telebisyon via Endless Love.
"Actually, dalawa po kaming may offer na bumalik sa ABS-CBN simula nang lumabas kami sa Endless Love," banggit ng 15-year-old actor, na produkto ng singing search ng ABS-CBN na Little Big Superstar, hosted by Sarah Geronimo.
"Nag-uusap kami ni Kathryn tungkol dun. Pero nung una, pareho kami ng desisyon na dito na lang kami sa GMA-7, kasi maganda nga yung break na ibinigay nila sa amin.
"Pero alam naman namin na ang manager ko at mga parents pa rin namin ang magde-decide kung saan kami pipirma. Kaya kami, waiting lang kung ano ang magiging desisyon nila.
"Sa akin kasi," patuloy ni Kristoffer, "almost one year and a half din akong nabakante sa ABS-CBN. Yun yung tagal na wala akong trabaho.






asus. masarap asarin eh karamihan nga ng mga haters niya eh nasusupalpal oh di kaya naba-ban. LOL Tapos sisisihin nila yung mga moderators ng PEP. Sasabihin BIAS. LOSER!
landstown
September 21, 2010
09:29 AM
naman naman kahit saang articles ng pep sinasali si marian. iyan ang sikat.
--------------------------------------
wala lang masarap lang mang asar sa mga addict kay marian.. bakit asar ka din?
skyward
asus.. may iba pang articles na pwede mong paglagyan sa update mo para kna ring nagtitwitter as if nmn kapato-patol yang update mo parang kwentuhan lang yan sa mga nagkukutoan sa tindihan ni esing.. LOL! aware na kami sa character assasination kay marian. Ano pang ibang upadate mo..daliii..gawin mong twitter ang PEP.. LOL!
-------------------------------------
bwahahahahaha!!!!! Ganon talaga masakit aminin ang katotohanan di ba??? guilty ka???? kahit saan pwede magcomment free wala ka pakialam kung gusto ko isambulat ang baho ng pagkatao ng idol nyo!!!!harharharhar....
Masanay ka na dahil yan ang kalakaran sa mga networks. Ganyan din ang ginagawa ng GMA sa mga artista ng ABS-CBN at ngayon ay ginagawa na rin ng TV5.
First time I saw her was in It Might Be You as Young Cielo or Bea Alonzo.
Good for her. I will surely watch out for her.
be happy nalang......... wag masyadong kumain ng bitter melon... ok.....
good luck kay Kathryn sa ABS, siya pala bida sa remake ng Mara Clara. Sana sumikat siya ng husto dun.