Caught on video: Mo Twister and Rhian Ramos holding hands

Rommel Placente
Thursday, January 20, 2011 @ 11:43PM  |  6649 views


"It just happened na lumalakad kami sa kalye ng Eastwood, hindi sa sidewalk. So siyempre, maraming kotse ang dumaraan. So hinawakan ko na lang yung kamay niya para naman kahit paano... safety," Mo Twister explains why he and Rhian Ramos were holding hands.

Photo By: Melo Balingit













Nakausap ng PEP (Philppine Entertainment Portal) si Mo Twister kahapon, November 6, sa taping ng Paparazzi sa TV5, kung saan ay isa siya sa hosts nito kasama sina Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal at Ruffa Guttierez. Inamin ni Mo na totoo ang nasulat na nag-date sila kamakailan sa Eastwood City sa Libis ng nali-link sa kanyang si Rhian Ramos.

Exclusively dating na ba sila ni Rhian?

"I don't know kung exclusively. Siguro itanong ninyo na lang kay Rhian kung exclusively o hindi," sagot ni Mo.

Habang nasa Eastwood at naglalakad ay magka-holding hands sina Mo at Rhian. Pero nang makasalubong nila ang isang host ng Tweetbiz, isa ring talk show na napapanood naman sa QTV 11, ay agad nilang tinanggal ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay.

"The reason binitawan namin yung mga kamay namin ay dahil yung lumapit, si Dansen sa Tweetbiz, naka-camera siya. Sabi niya, 'Uy, Tweetbiz ito! Tweetbiz ito!' gumaganoon siya. Siyempre bibitawan namin yung mga kamay namin. Nakakagulat din, di ba?

"And it's okey. Hindi naman kailangang naka-glue yung kamay namin sa isa't-isa palagi. Nagho-holding hands lang naman. Hindi naman kailangang nakayakap kami o magkahawak yung kamay namin forever o sa buong gabi.

KEEPING HER SAFE. "It just happened na lumalakad kami sa kalye ng Eastwood, hindi sa sidewalk. So siyempre, maraming kotse ang dumaraan. So hinawakan ko na lang yung kamay niya para naman kahit paano... safety. Nakita naman sa video na lumalakad kami sa street mismo, umiiwas kami sa mga kotse.

"Pero puwede rin namang i-assume na may gusto kami sa isa't-isa, di ba? Pero hindi naman ibig sabihin din nun na exclusive na kami, that we're formally dating na. Pero oo, nanliligaw na ako sa kanya," ang sabi ni Mo.

Ilang buwan na siyang nanliligaw kay Rhian?

"Matagal na rin, mga months na," sagot ng radio at TV host.

Nanliligaw pa lang ba siya kay Rhian o talagang may relasyon na sila at ayaw lang nilang aminin?

"Kung ayaw naming aminin, aaminin ko ba sa 'yo ngayon? Nanliligaw pa lang talaga ako," natatawang sabi ni Mo.

Sa tingin ba niya ay may magandang patutunguhan ang panliligaw niya kay Rhian?

"Well, I hope so. Kasi hindi mo naman hahayaan na ang isang lalaki manliligaw, kung hindi rin naman papunta dun di ba?

"So kung mag-work out siya e, di mabuti. Yun nga ang birthday wish ko two weeks ago, na sana sagutin ako ni Rhian.

1  2  Next »

Related Articles

69 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name