ORLANDO, FLORIDA — Personal na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating aktres na si Klaudia Koronel dito sa Orlando, Florida.
Bilang pagdiriwang kasi ng kanyang kaarawan last December 19, tatlong araw (December 18-20) na nagbakasyon si Klaudia at ang mister niyang si Andy Zhang sa Orlando.
Bakit sa Orlando niya naisipang mag-celebrate?
"Kasi hindi pa ako nakakarating sa Florida. Halos lahat ng states sa Amerika, e, napuntahan ko na, sa Florida na lang hindi pa," pahayag ni Klaudia.
Noon pa raw niya naging pangarap na maikot ang U.S. dahil noong una siyang mag-apply ng visa ay na-deny siya.
"Kasi, alam mo yung meron kang dream noon pa na hindi mo makuha-kuha? Kasi yung first time kong mag-apply ng visa, dinenay ako.
"E, na-depress ako noon. Mula noon, sabi ko, ayoko nang pumunta sa Amerika, na kung magta-travel ako, hanggang Canada lang.
"Alam mo yung na-trauma ka? Akala ko kasi ang pagpunta sa Amerika, parang Hong Kong lang, bibili ka lang ng tiket, tapos!" natatawang sabi pa ni Klaudia.
Ngayon, bukod sa nakapag-travel na siya sa iba't ibang parte ng mundo, nakatira na ngayon si Klaudia sa U.S., lalo pa nga at doon naka-base ang mister niya.
Isa pang ikina-excite ni Klaudia ay ang makita ang Disneyworld.
Narating na raw niya ang Disneyland sa iba't ibang bansa, kaya excited siyang marating ang Disneyworld sa Orlando, ang pinakamalaking Disney theme park, na masasabing dream come true rin para sa aktres.
Ikinagulat nga raw ni Klaudia na pinagbigyan siya ng mister niya na mamasyal ng tatlong araw.
"Adventurous akong tao, siya business-minded, gusto niya puro trabaho.
"Makikita mo sa kanya yung effort na pasayahin ako. Minsan hindi siya yung tao na ibibigay ang lahat ng panahon sa iyo, laging trabaho.
"Pero minsan naman pag nagbigay siya ng regalo, talagang mata-touch ka, na nakapasyal kami kahit sa maikling panahon lang."






mismo! bakit ako maiinggit? ibig sabihin siya lang ang meron? lol
Nalibot nya na ang buong Europa I saw pictures on her friendster account. Pwede naman syang magyabang dahil masaya sya sa tinatamasa nya wag ka nalang mainggit dapat maging inspirasyon pa sya sayo dahil bumangon sya sa hirap at di naman sya humingi ng tulong mula sayo. Ang INGGIT ay matinding SAKIT yan na di nagagamot.PEACE
CRAB PINOY MENTALITY
MAHIYA NMAN KAYO SA SARILI NYO..........
MAGING MASAYA KAYO SA NARARATING NG IBA.....
ala akong sinabing nag ssnow ang arizona, ang sabi ko khit winter malmig ang weather nila. alam kc nakarating na ako ng AZ.if summmer sobrang init nman. may mali ba ako sa sinabi. ska di rin ako umaasa sa GOv dhil ang wowork ako. at di ako bitter, ano ba tapat ikainggit kay Klaudia? Look free kang mag comment dito.
if true nga nalibot nya ang buong U.S. sana post nya lahat ng mga Pic nya. di ba Bongga para malamn ng buong Madla...LOL
whatever you have, parang flaunt it, kasi mamaliitin ka, kapag parang wala kang maipagmalaki. Di naman sya siguro intensyong magyabang, pero minsan nasasanay ka na, sabihin yung mga assets mo dahil ganyan ang madalas na usapan dito.
At saka eh ano naman kung greencard holder pa lang ang asawa niya? Ang importante pareho silang kumikita ng pera at hindi umaasa sa gobyerno.
Mga tao talagam ang hilig-hilig i-down ang kapwa nila instead na matuwa sa naging magandang kapalaran.
Wag kayo puro inggit at bitterness. magbago na kayo sa new year.
hello...its not immigration policy...cant u read ?nag pa tb test cya so d cya pwede mag buntis 4 3 months...helloooo....
so green card lang pala asawa mo. kla ko US citizen kya pala di ka pa green card.
wag niyo nang okrayin dahil sa tate, mas maige ang may trabaho kahit anong trabaho okey. ang nakakahiya yung mga artista na nanganganak lang sa tate tapos mga citizens pala ang nagbabayad nun, ewan kung anong tawag sa program na yon, pero nabasa ko sa mga ka-pep na fil-ams na kaya libre panganganak ng mga artista dahil state ang nagbabayad. at least si klaudia self-sufficient ang lola, me sarili ng business.