Angelica Panganiban on the possibility of asking Derek Ramsay to get married: "Puwede, kapag nainip na ako!"

Rose Garcia
Monday, April 04, 2011 @ 10:14PM  |  5786 views


  "Palagi naman naming sinasabi na kung mangyayari yun, hindi naman namin isisikreto. At saka, hindi naman namin yun kayang itago. At saka, gusto ko, kapag binigyan niya ako ng singsing, yung hindi ko talaga maitatago sa sobrang laki!" says Angelica Panganiban about getting hitched with boyfriend Derek Ramsay.

Photo By: Sany Chua













Matagal na raw magkaibigan sina Angelica Panganiban at Vhong Navarro. Sila ang magkapareha sa opening salvo ng Star Cinema ngayong 2011—ang horror-comedy filma na Bulong.

Pero sa pagkakatanda ni Angelica, bata pa lang daw siya nang una silang nagkasama ni Vhong sa movie na ngayon lang nasundan. Ito ay sa Separada (1994) ni Chito Roño, na siya ring direktor ng Bulong.

 

Sa presscon ng Bulong kagabi, January 17, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inilarawan ni Angelica ang pakikipagtrabaho niya kay Vhong.

"Magaan, magaan. Sobrang maalaga. 

"Masaya kasi magkabarkada nga kami noon pa. Para lang kaming naglalaro. Siyempre minsan mahirap, kasi hindi namin mapigilan ang tawanan. 

"Minsan, nagkakailangan kami kasi magkaibigan nga kami. Pero, umaarte kami sa harapan ng kamera na first time naming ginagawa."

Maganda raw ang timing kay Angelica ng tema ng bago niyang movie.

"Maganda kasi kakatapos lang noong I Love You Goodbye. Nag-drama ako. Tapos Here Comes The Bride, nagpatawa naman kami. 

"Then, ngayon, horror at may touch of comedy siya. So, iba't ibang acting yung nagagawa ko," sabi niya.

Aminado naman si Angelica na may pressure tuwing gumagawa siya ng pelikula para sa Star Cinema, lalo na't halos lahat ng pelikulang ni-release ng film arm ng ABS-CBN ay kumita

"Siyempre, hindi naman mawawala ang pressure. Kung gaano kalaki ang ginagawa ng Star Cinema with the past few movies, di ba?" pahayag ng young actress.

WORKING WITH DIREK CHITO & VHONG. Malaking bagay raw kay Angelica na si Direk Chito ang direktor ng movie kaya tinanggap niya ang Bulong.

"Malaking fan po ako ni Direk Chito pagdating sa horror films. So, noong nabigay po sa akin, noong sinabi nga po nila na gusto nila akong kunin with Direk Chito, na-excite na ako.

"Hindi ko pa alam na si Vhong ang kasama ko. Noong sinabing si Vhong, natuwa ako."

Pero biro ni Angelica, "Wala rin po akong choice na si Vhong ang kasama ko. Siyempre, manager niya si Direk Chito, so alam ko na siya talaga... Pero biro lang. 

"Kami po talaga ni Vhong, magkaibigan kami. Marami na rin po kaming pinagsamahan na lumalabas kami. 

1  2  3  Next »

Related Articles

22 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name