Director GB Sampedro denies third party in breakup with Candy Pangilinan; says Ai-Ai delas Alas is just a friend

Rey Pumaloy
Wednesday, April 06, 2011 @ 06:22PM  |  3183 views


  "Hindi ko alam yung sinasabi nilang third party. Kung ano yung ebidensiya nila na may third party, e, di ilabas na lang nila. I-tweet na rin nila, tutal tweet sila nang tweet," says director GB Sampedro about report that a third party is involved in his breakup with Candy Pangilinan.

Photo By: Jocelyn Dimaculangan













Gulat na gulat ang direktor na si GB Sampedro sa paglaki ng isyu sa breakup nila ng comedienne na si Candy Pangilinan. 

Hindi inaasahan ng direktor ng Paparazzi na maging sa Twitter ay may mga lalabas na pasaring tungkol sa kanya kaugnay ng paghihiwalay nila ni Candy.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk GB, hindi niya alam kung paano umpisahan ang paglilinaw sa isyu dahil may mga pasaring na raw sa Twitter na may ibang babae raw siya.

"Yun na nga. Alam ko na may mga lumabas nang mga tweet. Hindi nga ako makapaniwala kasi wala naman akong Twitter [account].

"Yun nga, sabi raw, confirmed! May babae raw ako! Anong babae? Wala nga, e!" pagtatanggol ni Direk GB sa sarili.

Akala ni Direk GB ay tahimik silang naghiwalay ni Candy, pero sorpresa sa kanya ang mga lumalabas na tweets ng comedienne tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

AI-AI DELAS ALAS. Nasasangkot din ang pangalan ng Concert Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa hiwalayan nina Direk GB at Candy. Napagdududahang si Ai-Ai raw ang babae sa buhay ng direktor.

"Magkaibigan kami no'n," pagkumpirma ni Direk GB sa samahan nila ni Ai-Ai.

Inamin ni Direk GB ang paglabas nila ni Ai-Ai, pero "friendly date" lamang daw yun.

"Nagkayayaan lang kami. Nagkataon lang na wala akong ginagawa noon kaya lumabas kami... sa Klownz lang kami nagpunta.

Diin pa niya, "Malinis ang pagkakaibigan namin ni Ai-Ai.

"'Saka, matagal na kami talagang magkaibigan nun, even before Ruffa and Ai pa."

Ang tinutukoy ni Direk GB ay ang matagal nang nagwakas na show nina Ai-Ai at Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN na idinirek niya.

Sabi pa ni Direk GB, kahit "sexy, maganda, mabait, at girlfriend-material" si Ai-Ai ay hindi sila puwedeng magkatuluyan nito o magkaroon ng romantic bonding.

"Yung friendship namin ni Ai-Ai, walang malisya. Talagang magkaibigan lang talaga kami," aniya.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name