Amy Perez has one request for ex-husband Brix Ferraris: "Sana i-divorce na niya ako."

Nica Tomines
Thursday, May 05, 2011 @ 11:15AM  |  6723 views


Amy Perez, who hosts "Love Hurts," a segment on TV5's morning show, Sapul sa Singko, gives this advice in time for Valentine's Day. "Pag ang guy may asawa at sasabihin na ikaw lang, [huwag kang maniwala]. Kasi definitely, kung nagawa niya sa asawa niya, magagawa niya yun sa iba."

Photo By: Noel B. Orsal













Tuloy-tuloy na nga ang pag-arangkada ng career ng television host na si Amy Perez. Bukod sa pagiging host ng Face 2 Face, TV5's talakserye, kasama na rin siya ngayon sa bagong format ng Sapul sa Singko, ang morning show ng TV5, aired from 5:00- 8:00 am,  Mondays to Fridays.

Kasama ni Amy sa bagong format na show sina Erwin Tulfo, Chiqui Roa-Puno, Martin Andanar, Lourd De Veyra, Shawn Yao, Atty. Mike Templo, Lia Cruz, Ferdinand "Makata-tawanan" Clemente, at Benjie "TsongkiBenj" Felipe.

Si Amy ay mapapanood sa "Love Hurts" segment ng morning show. Makakasama niya rito sina Erwin Tulfo at Martin Andanar sa pagbibigay ng payo tungkol sa pag-ibig.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media na makausap si Amy pagkatapos ng presscon ng Sapul sa Singko kaninang umaga, February 7, sa Annabel's Restaurant sa Quezon City.

DIVORCE CASE. Hindi naiwasan na pag-usapan ang masakit na karanasan ni Amy sa pag-ibig.

Sa general presscon, ibinalita ni Martin na nahanap niya sa YouTube ang dating asawa ni Amy na si Brix Ferraris.

Ayon kay Martin, nasa California na raw si Brix at mukhang may career na doon as a performer.

Ano ang masasabi ni Amy nang malaman niya na nasa California ang kanyang dating asawa?

"Wala naman. Natawa lang ako. Sana i-divorce na niya ako. Yun lang ang pakiusap ko," ang mabilis na tugon ni Amy.

Dagdag pa niya, "Actually, may mga bali-balita na, pero wala namang confirmation hanggang sa may nagsabi na andun nga daw. Nag-ti-TNT [tago nang tago] siya, actually. Kung masama nga ugali ko puwede ko siyang i-report di ba?

"Pero hindi na, hayaan na natin. May mga kanya-kanyang buhay na kami. Tutal hindi na niya kami pinakikialaman. Siguro ang tanging problema namin is the legal side of it."

Ayon pa kay Amy, wala pang progreso sa divorce na kanyang isinampa.

"Kasi nga, yun ang problema: Paano mo kakausapin ang taong ayaw makipag-usap, nagtatago at tumatakbo sa responsibilidad niya? So dun kami nahihirapan actually. When in fact, okay naman na lahat kay Brix . Siguro, hindi lang talaga siya sanay, alam mo 'yon, yung nakikipag-usap."

HAPPY FAMILY. Maayos at masaya si Amy ngayon sa piling ng kanyang partner na si Carlo Castillo. They have been together for five years and they want to take their relationship one step further.

"Kami ni Carlo we are still hoping and praying na yun... na magbago yung ihip ng hangin, na sana this time siya [Brix] na yung mag-file ng divorce.  Kasi ako, on my side, nagawa ko na, e.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

43 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name