Cristine Reyes on Rayver Cruz: "Masaya ako dahil may isang taong ipinagmamalaki ako."

Nora V. Calderon
Thursday, May 12, 2011 @ 07:32PM  |  3227 views


  "Ayaw ko na ring palakihin. Kahit kasi anong gawin kong paliwanag at kahit anong sabihin ko, hindi na rin nila paniniwalaan," says Cristine Reyes about her feud with Sarah Geronimo.

Photo By: Noel Orsal













Itinanggi ni Cristine Reyes ang usap-usapan na kaya hindi na raw siya nagre-report sa ASAP Rocks ay iniiwasan niyang magkita sila ni Sarah Geronimo pagkatapos lumabas ang interviews nila sa YES! magazine.

Si Sarah ang ex-girlfriend ni Rayver Cruz, na boyfriend naman ngayon ni Cristine.

Paliwanag ni Cristine, "Hindi ako naka-attend kanina dahil may shooting nga kami. Last shooting day na kasi namin ngayon. Okey lang naman sa akin kung magkita man kami sa studio."

Ang pelikulang tinutukoy ni Cristine ay Tumbok, isang horror film na idinidirek ni Topel Lee. Sa shooting ng pelikula sa isang abandoned building sa Escolta, Manila noong Linggo, March 6, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Cristine.

Ayon pa sa sexy actress, patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng hate mails mula sa fans ni Sarah dahil sa away nila. Kaya sinabihan na raw siya ng ate niyang si Ara Mina na tumigil na sa pagtu-tweet ng kung anu-ano. Pero bakit may lumabas na nag-tweet na naman daw siya ng hindi maganda kay Sarah?

"Hindi na ako nag-tweet," tanggi ni Cristine. "Ayaw ko na ring palakihin. Kahit kasi anong gawin kong paliwanag at kahit anong sabihin ko, hindi na rin nila paniniwalaan."

RAYVER CRUZ. Ang mahalaga raw kay Cristine ngayon ay masaya siya sa boyfriend niyang si Rayver.

"Masaya ako dahil may isang taong ipinagmamalaki ako," sambit niya.

Hindi ba niya ito naramdaman kay Dennis Trillo noong sila ang magkarelasyon?

"Naramdaman ko naman 'yon sa kanya, pero hindi lang talaga nag-work ang relasyon namin," sagot ng 22-year-old actress.

Kapag magkasama ba sila ni Rayver napag-uusapan nila sina Dennis at Sarah?

"Hindi po, hindi namin pinag-uusapan. Gusto ko happy ending ang relasyon namin."

Si Rayver na ba talaga ang gusto niyang makatuluyan? Kaya ba niyang i-sacrifice ang career niya para sa kanilang relasyon ni Rayver?

"Sana nga siya na," sambit ni Cristine. "Pero hindi naman dapat i-sacrifice ang career sa love, nasa pag-uusap namin 'yon. 

"Si Rayver, hindi siya nakikialam sa career ko, ganoon din ako sa kanya.  Pareho kaming artista at alam namin kung ano ang trabaho namin."

1  2  3  Next »

Related Articles

83 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name