Bianca Gonzales wants to meet JC Intal's ex-girlfriend Carla Abellana; she hopes it won't be awkward

Rey Pumaloy
Friday, May 20, 2011 @ 07:21PM  |  101 views


Naging masaya si Bianca Gonzales sa pagbabati ng kanyang mga kaibigan na sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga. Ang balita, si Bianca daw ang naging tulay ng  pagkaka-ayos ng dalawa. "Nagti-thank you sa akin sina Ma (Mariel) at Toni.  Pero for me, talaga it's between them.  They felt it was time na happy na din sila," paliwanag ni Bianca.

Photo By: Noel Orsal













Clueless si Bianca Gonzales kung ano ang magiging kaganapan sa Valentine's Day nila ngayon ng rumored boyfriend niyang si JC Intal.

Nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bianca nuong Sabado ng hapon sa dressing room niya sa Yñares Sports Arena sa Pasig, wala siyang masabing detalye sa date nila ni JC dahil may SNN raw siya sa gabi.

"Madalas naman kaming magkita so... hindi ko alam e," ang sabi ni Bianca, habang mina-makeup-an siya para sa kanyang production number sa Happy, Yipee, Yehey!, ang bagong noontime show sa ABS CBN.

"Pero every girl naman appreciates yung pag may something na ginawa. So, we'll see na lang."

Kapansin-pansin na glowing si Bianca ngayon.

"Happy naman ako," mabilis niyang tugon.  "Pero we're only dating, parang getting to know each other."

Ikinagugulat ni Bianca ang reaksyon ng marami tungkol sa pag-amin niyang nagde-date sila ng nasabing basktebolista.  May mga naniniwalang magkasintahan na sila. Isa na nga raw pruweba ay ang mga photos nila sa Facebook account ng basketbolista.

"Hindi naman," depensa niya agad.

CARLA APPROVES. Ang dating kasintahan ni JC ng limang taon na si Carla Abellana ay nagpahayag ng kanyang pagkapabor sa namamagitan sa basketbolista at kay Bianca.

Inamin ni Bianca na nakarating na sa kanya ang mga naging statement o interview ni Carla tungkol sa kanila ni JC.

"I heard about that. May mga nag-tweet sa akin. Alam mo naman sa Twitter, ang bilis ng balita."

Ano ang reaksyon niya sa sinasabi ni Carla na happy siya para sa kanilang dalawa?

"I'm happy kasi I'm sure she knows him well. Hindi naman joke yung five years na pinagsamahan nila. So, thank you for the nice words.

"We've never met, e.  So, thankful ako kasi she has something nice to say kahit hindi pa kami nagkakakilala," nakangiting pahayag ng dalaga.

Hindi lang makapaniwala si Bianca na sasabihin ni JC kay Carla na mayroon na silang relasyon.  Feeling ng magandang host hinuhuli lang siya ng media para umamin.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

25 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name