Mariel Rodriguez says she typed the script of Tum, My Pledge of Love; she also stars with Robin Padilla in the movie

Rey Pumaloy
Wednesday, June 08, 2011 @ 07:13PM  |  75 views


Napangiti si Mariel Rodriguez nang marinig niya ang plano ni Robin na gawin siyang June bride. Wala daw siyang ibang detalye tungkol dito. "Kasi siyempre, I don't think dapat [ako magtanong ng] kailan ba? Kasi masaya na ako.... The [Catholic wedding] is for the family, for friends, for the people," she explains.

Photo By: Noel Orsal














Ipinagmamalaki ni Robin Padilla ang kasipagan ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez na siyang tiga-type ng script para sa lalabas nilang pelikula ngayong March 16, ang Tum, My Pledge of Love.


Written and directed by Robin Padilla, the movie, which was reportedly filmed in India, stars the controversial couple.

"Tiga-type lang po talaga ako.  I call myself typist or typer, secretary.  Actually, si Robin po, he's really so generous. [He's] not giving enough credit to himself.  Sa totoong buhay po talaga, siya ang nag-conceptualized, nag-isip ng script, idea niya po lahat," paliwanag ni Mariel.

"Yung sinasabi niya po na... yes, we have contributing directors pero siya rin po talaga lahat. Humble po siya at generous, never pong... lagi po naming pinag-aawayan, kasi lagi kong sinasabi na written and directed by Robin Padilla. Ayaw niya po nun.

"Ayaw niya na sinasabi ko na siya.  Gusto niya isini-share niya yung glory sa ibang mga kasamahan namin.  Pero walang tao who worked more sa project na ito kundi siya."

Mahaba-habang bungad ni Mariel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makatsikahan namin siya sa presscon ng nasabing movie nuong Sabado ng tanghali sa Annabelle's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Proud naman si Mariel na may mga input rin siya sa pelikula lalo sa mga kilig scenes nina Ejay Falcon at Queenie Padilla.

"Yung sa love scene nina Queenie at Ejay, mahirap para sa kanya (Robin) na magsulat nang gan'on dahil anak niya [si Queenie]. Hindi naman nag-fall in love.  Konti lang. Like each other lang.  Nagaganun siya kasi tatay," kuwento niya.

Aminado naman si Robin na maraming pressure sa paggawa ng nabanggit na pelikula.  Pero malaking bagay raw na nasa paligid lang si Mariel para magbigay sigla sa kanya.

"Siyempre, all the more na you have to support and understand.  So, dapat all the more na magwu-work together. Dahil ang objective naman ng lahat is to make the movie beautiful," paliwanag ni Mariel.

Hindi lang inspirasyon para kay Robin ang ibinibigay ng bagong misis niya.  Tumutulong rin daw ito sa production gaya nang pag-i-ilaw sa eksena.  At minsan ay ito pa raw ang kumukuha ng isa pang kamera para i-tutok sa anggulong kailangan sa eksena.

CATHOLIC WEDDING. Hindi itinanggi ni Robin na dalawang beses nang napu-postpone ang Catholic wedding nila ni Mariel.  Noong una ay dapat nuong December  25 nang nakaraang taon.  Pero hindi raw bumaba ang divorce papers ni Robin.

Ang sumunod ay nitong nakaraang Valentine's Day pero dahil nga sa playdate na ibinigay sa Tum ng Star Cinema, na siyang distributor ng movie, muling naurong ang kasal ng dalawa.

Napangiti ang magandang aktres at TV host nang marinig niya ang plano ni Robin na gagawin siyang June bride nito.  Wala daw siyang ibang detalye tungkol dito.

"Kasi siyempre, I don't think dapat [ako magtanong ng] kailan ba?  Kasi masaya na ako... The [Catholic wedding] is for the family, friends, and for the people...

Kailangan pa ba siyang mag-convert sa Islam?

1  2  3  Next »

Related Articles

51 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name