(UPDATED) Luis Manzano finally admits dating Jennylyn Mercado; shares views on intimate relationships

Melba Llanera
Thursday, September 01, 2011 @ 05:54PM  |  447 views


  "In this industry kasi, anything you say or do could be misconstrued. Anything, kahit anong statement mo, kahit napakaganda ng intensiyon ng sinabi mo, puwedeng baligtarin 'yan. So, mas maganda na wala ka na lang masabi," says Luis Manzano.

Photo By: Noel Orsal













Pagkatapos ng ilang linggong pananahimik, inamin na ng TV host-actor na si Luis Manzano na "exclusively dating" sila ng actress-singer na si Jennylyn Mercado.

Ginawa ni Luis ang pag-amin sa weekly showbiz talk show ng ABS-CBN na Entertainment Live kaninang hapon, May 21. Isa sa mga host ng programa si Luis.

Ayon kay Luis, nagdesisyon siyang umamin para matigil na raw ang paratang na ginagamit lang siya ng kampo ni Jennylyn para pag-usapan.

Naipakilala na rin daw ni Luis si Jennylyn sa kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos.

Boto at gusto naman daw ng Star for All Seasons si Jennylyn para sa panganay na anak.

BORACAY SIGHTING. Pero bago ang pag-amin na ito ni Luis ay nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong isang linggo.

Dito ay wala siyang anumang inamin ngunit nagpahiwatig siyang may namamagitan nga sa kanila nil Jennylyn.

Narito ang naturang interview:

May lumabas na balita na sumunod daw si Luis kay Jennylyn sa Boracay noong Holy Week.

Dito sinasabing nagsimula ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Pero itinanggi ito ni Luis nang makausap siya ng PEP sa studio ng ASAP Rocks noong Linggo, May 15.

"Wala ako sa Boracay nung Holy Week, nasa Batangas ako," sabi niya.

"Week after Holy Week ako nag-Boracay. 

"Nauna akong pumunta dun, ang Myx ang nagpadala sa akin. 

"Sumunod sila Iya, Nikki," sabi niya, na ang tinutukoy ay ang Myx hosts na sina Iya Villania at Nikki Gil.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

241 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name