Dingdong Dantes proud of girlfriend Marian Rivera for being the lead actress on Amaya

Nerisa Almo
Sunday, September 04, 2011 @ 12:58AM  |  3135 views


"Kapag malaking responsibilidad, malaking risk. Pero, 'yon lang 'yon. The rest, I know karamihan ng good factors are on her side," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera leading the cast of GMA-7's epicserye Amaya.

Photo By: Noel Orsal













Manghang-mangha ang aktor na si Dingdong Dantes nang makita niya ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera sa teaser ng epicserye na Amaya.

Kwento pa nga ni Dingdong, "Kinikilabutan ako. Much more noong naabutan ko 'yong news kagabi about 'yong totoong binukot, kung saan talaga sila mahahanap, at dinebelop ang istorya kung saan naging teleserye pa talaga siya."

Kaya naman lubos na ipinagmamalaki ni Dingdong ang kanyang kasintahan dahil sa bagong oportunidad na ito. 

"It's really something big for her kaya natutuwa ako para sa kanya," sabi ni Dingdong nang makapanayam siya ng entertainment press kahapon, Mayo 27, sa press conference ng Men's Health, kung saan muli siyang naging cover model para sa June issue nito.

Nang tanungin kung nakakaramdam ba si Dingdong ng kaba para kay Marian, pareho niyang sinabi na "Oo at hindi."

Paliwanag niya, "No because I'm confident na aside from just being entertaining, e, sobrang educational din siya.

"And kakaibang break ito because ang tagal na ngang walang epicserye sa GMA-7. parang 'yong gano'ng tipong napanood ko was Encantadia, kung saan ako naman ang nandoon.

"Yes, because siyempre, kapag malaking responsibilidad, malaking risk. Pero, 'yon lang 'yon. The rest, I know karamihan ng good factors are on her side."

PRODUCING A MOVIE WITH MARIAN. Samantala, nabanggit ni Dingdong na kasama rin sa plano niya bilang producer ng pelikula ang makagawa ng proyekto kasama si Marian.

Kasalukuyang nasa planning stage ang pelikulang parehong ipo-produce nila ni Kris Aquino. Ito ay isang horror movie na planong ipalabas sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Ayon kay Dingdong, hindi pa lang magtugma ang mga schedule nila ni Marian kaya hindi pa posible ang planong ito.

"Kasi, ang dami niya ring commitments. So, kung hihintayin ko 'yon, hindi rin gumagalaw 'yong production. But nasa master plan ko 'yon," sabi ni Dingdong.

Sa tingin ni Dingdong ay magiging patok sa publiko ang planong ito.

Sinabi pa niya na bukod sa kanyang hilig, dapat isaisip din niya kung ano ang gustong makita ng tao sa pelikula.

1  2  Next »

Related Articles
1 2

64 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name