Julia Montes on rumored relationship with Enchong Dee: "Ni text or tawag, wala po."

Rose Garcia
Tuesday, September 06, 2011 @ 08:31PM  |  2706 views


Lumaking walang ama si Julia Montes. Two months old pa lang daw ito nang huling bisitahin ng kanyang deaf-mute father. Ang kanyang Lola Flory ang halos nagpalaki sa kanya. Julia's mom is also a deaf-mute.

Photo By: Noel Orsal













Sa maraming tagasubaybay ng Mara Clara, siguradong kilalang-kilala na nila ang Kapamilya young actress na si Julia Montes.

Si Julia, sa serye, ay ang kontrabida, mapang-api at kinaiinisan ng karamihan. Pero in real life, lalo't-higit sa kanyang pamilya, masasabing inspirasyon sa kanila ang young actress na marami na ring pinagdaanan bago nabigyan ng pagkakataon sa naturang serye.

Bago ang live interview ni Toni Gonzaga kay Julia sa The Buzz, yesterday, May 22, ipinakita muna ang VTR interview sa lola at kapatid niya.

Kaya naman teary-eyed na halos si Julia nang i-welcome ni Toni, who asked her why she was crying.

"Mixed emotions po, e. Happy at saka, yun nga po, super blessed sa nangyayari sa akin ngayon."

Lumaking walang ama si Julia. Two months old pa lang daw ito nang huling bisitahin ng kanyang deaf-mute father. Ang kanyang Lola Flory ang halos nagpalaki sa kanya. Julia's mom is also a deaf-mute.

What's it like to grow up with a father?

"Yung totoo po, mahirap. Pero yun po ang naging way para maging strong ako," naiiyak na sagot niya.

"Nasa bahay rin naman po si Mama, since ano... Pero yung nakakasama ko all the time, yung lola ko, since nag-start ako sa showbiz, sa school, siya talaga. Iba pa rin talaga ang lola ko."

Ayon sa kuwento ni Lola Flory, marami na nga raw silang auditions na pinagdaanan. Minsan ay hindi raw ito natatanggap. Madalas ay nagdyi-jeep lang sila lalo na kung walang pang-taxi ang mag-lola.

Kaya ang tanong ni Toni, ano ang nagpu-push kay Julia noon na magtuloy-tuloy pa rin sa showbiz?

"Nagpi-pray lang ako kay God every time na may VTR. Sabi ko, Lord, kung para sa akin 'to, tatanggapin ko, malaking tulong sa akin kahit magkano lang ang matatanggap ko for that project.  Siyempre lola ko lang ang nagtataguyod sa akin. Kung makukuha ko, malaking tulong para sa amin."

Ayon kay Toni, nakaka-relate siya sa kuwento or experiences ng young actress dahil sa ganoong paraan din daw siya nagsimula. On the other hand, nasabi rin ng lola ni Julia na dati raw, nagkakanda-utang-utang sila.

Bakit?

Ayon naman kay Julia, "Kasi po siyempre, sinasamahan niya akong mag-VTR.  Siyempre po, kapit sa patalim, wala naman pong kasiguraduhan kung makukuha ako. Wala pong nagbabantay sa parlor. May maliit po kaming parlor. So, kapag sinasamahan niya ko, wala talagang kita. Nagkakanda-utang-utang kami para mag-try talagang mag-audition."

1  2  3  Next »

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name