Part I. PEP EXCLUSIVE Jolina Magdangal describes Mark Escueta's wedding proposal to her as "magic"

Rose Garcia
Friday, September 09, 2011 @ 04:07PM  |  10997 views


  "Naiisip ko, sana hindi ito panaginip. Sana walang gumising sa akin, sana totoo. Tapos habang tumatagal, pauwi ng bahay, kinabukasan, tinitingnan ko ulit yung ring.  Kapag natutulog ako, dapat may nararamdaman akong tumutusok-tusok. Iba, iba ang feeling..." says Jolina Magdangal about the engagement ring that Mark Escueta gave her.

Photo By: Rose Garcia













The wedding proposal happened on May 21, 2011, and the announcement was made on June 5, 2011 at Party Pilipinas.

Bagamat naghintay muna sila ng dalawang linggo bago ipaalam sa publiko ang kanilang engagement, hindi naging maramot ang multi-media artist na si Jolina Magdangal at ang musician na si Mark Escueta sa pagbabahagi ng napakaimportanteng kaganapang ito sa kanilang relasyon.

At ngayon nga ay handa na silang ibahagi sa publiko, lalo na sa kanilang mga tagahanga, kung paano naganap ang wedding proposal ni Mark kay Jolina.

Kahapon, June 6, ekslusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Trinoma Mall ang soon-to-be bride and groom na sina Jolina at Mark.

Kahit ilang linggo na ang nakalilipas, kitang-kita pa rin sa aura ng dalawa ang kilig dulot ng marriage proposal at pagmamahal nila sa isa't isa.

TELLING THE PARENTS. The proposal was secretly and romantically planned by Mark himself.

Kailan sinimulan ni Mark ang planong wedding proposal at gaano niya ito katagal pinagplanuhan?

"From the start naman, inisip ko na yun. Pinag-ipunan ko lang kaya tumagal!" natawang sabi ng Rivermaya drummer

"Pero alam ko na, matagal ko nang iniisip. Siyempre, sasabihin ko muna sa parents niya."

Jolina's parents, Jun and Paulette Madangal, are staying in Tagaytay, managing their restaurant there. Timing daw na umuwi sila sa Manila at nagkataong bumibisita si Mark kay Jolina sa bahay nila dito.

Kuwento pa ni Mark, "Nasa akin na kasi ang ring no'n. May na rin that time.

"Sakto naman na may pinakuha si Jolina sa akin sa mommy at daddy niya.

"Pero bago ako bumaba, nag-text na rin ako sa kanila na meron nga akong ipapaalam. 

"Sinabi ko na more than two years na kami. Plano ko nang mag-propose kay Jolina. 

"Siyempre, nagulat sila.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  Next »


18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name