Jolina Magdangal says wedding with Mark Escueta will happen late this year or early next year

Monching Jaramillo
Friday, September 16, 2011 @ 05:31PM  |  1689 views


"Okay lang ako kung early next year. Pero 'wag naman mid next year. Wag naman," says Jolina Magdangal of plans for her wedding with Mark Escueta.

Photo By: Paulo Fernandez













First taping day ng Iglot, ang bagong fantaserye ng GMA-7 sa Barangay Lacquois, Arayat, Pampanga kahapon, July 25.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan para sa bisitahin ang set nitong fantaserye.

Bida sa Iglot sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Patrick Garcia, Luis Alandy, Pauleen Luna, at ipinakikilala ang batang si Milkach Wynne Nacion.  

Kapansin-pansing ang lahat ng main cast ay dating Kapamilya stars na namamayagpag naman sa Kapuso network ngayon.

Originally ay sa paanan ng Mayon Volcano dapat kukunan ang mga eksena sa Mt. Arayat, pero dahil nag-uuulan ay minabuting sa Pampanga na lang daw ito ituloy.

May pagkakahawig naman daw kasi ang hugis ng bundok Arayat sa bulkan ng Mayon.

Sa gitna ng mainit na bukirin ng nasabing barangay ang location. May air-conditioned tents naman ang mga artista na nagsisilbing quarters nila pag wala silang eksena, kung saan naman namin nakausap ang ilan sa kanila.

Katatapos ng eksena ni Jolina kaya sa kanyang tent kami unang pinapasok.

Excited ang dalaga sa pagkukuwento sa kanyang role bilang si Ramona.

Masaya rin siya sa muling pagsasama nila ng ka-loveteam na si Marvin at sa mga kuwentuhan nila ni Claudine na kung ite-trace ay parehong nagkasama sa Ang TV noong mga bata pa sila.

Ngayon, ang kuwentuhan ay tungkol na raw sa mga anak ni Clau (nickname ni Claudine) at sa mga plano na ni Jolens (palayaw ni Jolina).

Plano, meaning pag-iisang-dibdib ni Jolina with boyfriend Mark Escueta, drummer ng Rivermaya.

Mauunahan na nga raw siya kasi ng best friend ni Jolina na si Kyla sa pagpapakasal with cager boyfriend Rich Alvarez sa November 28.

Ayon kay Jolina, "Hindi, una talaga si Kyla. In fairness naman kay Ky (tawag niya kay Kyla.). Una siya, e. 'Tsaka si Kyla, noon pa yung [planong pagpapakasal] kay Kyla. Matagal na."

Sila ni Mark, kelan na ang kasal? Sinasabi rin kasing malapit na rin siyang humarap sa altar.

1  2  3  Next »

Related Articles

38 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name