Huling linggo na ng Magic Palayok next week, na tinatampukan ng real-life couple na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.
Pero posibleng ito muna ang huling pagsasama ng magkasintahan dahil may kanya-kanya silang projects na gagawin pagkatapos nito.
Pero ayon kay Carla, "Actually, okay lang.
"Actually, after ng Basahang Ginto, yun na ang expected namin dahil naging part siya [Geoff] ng Grazilda.
"Ako naman, natigil sandali.
"Ever since naman before, ine-expect na namin na maghihiwalay kami, na ikinagulat namin, pinagsama ulit kami sa Magic Palayok.
"So, okay lang, kasi nagawa na namin before na i-accept.
"So, ganoon na lang ulit, i-accept na lang ulit namin."
SURVIVOR. Samantala, there's a possibility raw na sumali si Geoff sa Survivor Philippines sakaling magkaroon ulit ng celebrity edition nito.
"Wow! Sana, sana!" sambit naman ni Carla.
"Kasi noong first time pa lang na lumabas ang Survivor, sabi namin, 'Wow, parang ang sarap sumali! Hindi mo alam kung kakayanin mo ang mga challenge.'
"With Geoff, kung matutuloy talaga siya, that would be good. Sana, di ba?
"Kung hindi man kaming dalawa, siya na lang.
"Masarap panoorin yun na nandoon siya, kasi kaya niya."
Paano kung totoong sasali nga si Geoff sa Survivor, 39 days silang magkakahiwalay?




0

