Dingdong Dantes on Marian Rivera's rift with Heart Evangelista: "Dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado."

Melba Llanera
Friday, October 14, 2011 @ 02:05AM  |  760 views


  "Isa rin sa magandang dahilan kung bakit tumatagal kami ay dahil pinalalakas namin ang isa't isa. Sa lahat ng pagkakataon, we always help each other. Alam kong malalagpasan niya ito," says Dingdong Dantes about the latest controversy involving girlfriend Marian Rivera.

Photo By: Noel Orsal













Marami ang interesadong malaman kung ano ang saloobin ni Dingdong Dantes sa bagong isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

Ito ay may kaugnayan sa alitan ni Marian at ng kanyang co-star sa pelikulang Temptation Island na si Heart Evangelista.

Matatandaang pumutok ang kontrobersiya na kinumpronta diumano ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco si Marian sa airport pagkagaling nila ng shooting sa Ilocos Norte. (CLICK HERE to read related story.)

Naglabas na ng kanyang pahayag si Marian sa presscon ng Temptation Island noong June 24. (CLICK HERE to read related story.)

Dito niya inihayag na nagulat siya sa nangyari sa airport, dahil ang buong akala raw niya ay "okay" sila ni Heart pero hindi pala.

Samantala, wala pang naririnig na pahayag mula kay Heart dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes sa isang event sa Makati Shangri-La kamakailan, tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Marian.

Napag-usapan ba nila ang tungkol dito?

"Definitely napag-usapan namin yun, pero para sa ganung detalye, I don't think nasa posisyon para magsalita coz sila yung nandun.

"Ang alam ko lang ay kung ano ang napag-usapan namin ni Marian.

"Ako, kahit na ano ang mangyari, 100 percent nandun lang ako sa tabi niya.

"Basta ang masasabi ko lang, dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado.  

"Kung may mali, dapat maituwid yung mali," pahayag ng Kapuso actor.

Para kay Dingdong, ang pagiging bukas ng komunikasyon nila ni Marian—kung saan updated sila sa nangyayari sa bawat isa tulad nga ng nangyaring ito sa girlfriend—ay isa sa higit na nagpapatatag ng relasyon nilang dalawa.

"Isa rin sa magandang dahilan kung bakit tumatagal kami ay dahil pinalalakas namin ang isa't isa.  

1  2  Next »

Related Articles
1 2

708 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name