Maulan dulot ng bagyong Mina. Pero kabaligtaran ng kasalukuyang weather condition ang napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mo Twister kaninang hapon, August 28, bago pa man umere ang Paparazzi kung saan isa siya sa hosts.
Tila humupa na nga ang stormy days sa buhay niya mula sa maintrigang breakup nila ni Rhian Ramos.
Mukha siyang happy ulit ngayon. Unlike before na hindi maitago ang lungkot at depression dahil sa pagkawala ng babaeng aniya'y kanyang minahal nang lubos.
Todo nga ang ngiti ni Mo nang mausisa kung kumusta na ba siya ngayon.
"Heto... same!" aniya.
"Working and... surviving naman. Okey naman.
"I don't wanna say I'm happy. I think... You know, time has just... There's a time where I think you have to focus on other things, like work and stuff like that.
"Para naman ma-divert 'yong attention mo sa iba't ibang mga bagay.
"I don't wanna say I'm happy. But I'm better. I'm getting help to become better."
REUNITED? Ilang beses na siyang tinutukso ng co-host niyang si Cristy Fermin na nagbalikan na raw sila ni Rhian.
Bakit may gano'n? Okey na nga ba silang dalawa ngayon ni Rhian?
"No. Of course not," sagot ni Mo.
"You know, a lot of people ask kung 'yon nga... are we back together? And my answer is... of course, no.
"If you'll ask Rhian, I'm sure she'll say the same things because that's the truth.
"But it doesn't also mean that I'm gonna close my doors on ever thinking na... Rhian and I can ever get back together.




0

