Dahil parehong big stars sina Piolo Pascual at KC Concepcion, hindi maiaalis na pukulin sila ng mga intriga mula nang aminin ng aktor ang panliligaw niya sa TV host-actress, hanggang sa aminin na nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Ang pinakahuling issue nga sa dalawa ay ang balitang pagkakamabutihan daw ni KC at ng kapareha nito sa pelikulang Forever And A Day na si Sam Milby, na ayon naman sa iba ay bahagi lang ng promotion para sa pelikula.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo last Sunday, July 3, sa ASAP Rocks, sinabi ng aktor na tanggap niya na bahagi ng kanilang relasyon ni KC ang mga intriga.
"Hindi na mawawala yun, hindi mawawala yung ganun," sabi ni Piolo.
"But if you're saying na tapos na, mas maganda yung ganun kasi at least, you feel vindicated. At the same time, nakakasawa na rin.
"I don't want to be negative, parang there came a point na hindi na ako nagbabasa ng kahit na ano kasi nakakasakit.
"Ngayon, matagal-tagal na rin, nagsawa na rin siguro ang mga nagdududa at salamat naman."
Ipinagtanggol din ni Piolo sina KC at Sam sa paratang na bahagi lang ng publicity slant ang balitang may special something na nabuo sa dalawa habang ginagawa nila ang pelikula, at nagamit daw siya dito.
"That's not true," sambit niya.
"Pareho naman silang may kakayahan sa box-office, pareho silang magaling na artista.
"Hindi na nila kailangan ng isang katulad ko para tumulong sa kanila.
"I believe a movie from Star Cinema doesn't need anybody outside the film para makapag-promote lang.
"They deserve the success of the movie that they're getting, so wala akong kinalaman dun."
Dagdag pa niya, "Kampante ako sa pagmamahal ni KC, wala kaming problema.
"Si Samuel [Sam's real name] has always been a brother to me.




0

