Carmina Villarroel strongly feels Zoren Legaspi won't be another BB Gandanghari

Rose Garcia
Sunday, November 13, 2011 @ 01:32AM  |  4312 views


Carmina Villarroel on Zoren Legaspi becoming another BB Gandanghari: "Naku, parang malayo naman yata. Parang ano, parang guguho na yata ang mundo 'pag ganoon!"   But what if it happens?: "Siguro, malabo. Masyadong malabo talaga. Parang hindi ko yata siya maaarok nang bonggang-bongga!"

Photo By: Noel Orsal













Kung tutuusin, napakatagal nang hiwalay sina Carmina Villarroel at ang dati niyang asawa na si Rustom Padilla na si BB Gandanghari na ngayon.

Pero, tuwing makakausap ng entertainment press si Carmina, gaya noong nakaraang presscon ng Del Monte Tomato Sauce kung saan siya ang endorser, naitatanong pa rin kay Carmina ang dating asawa.

Sinasagot naman ni Carmina ang bawat itanong sa kanya na may kinalaman sa dating asawa.

Gaya ng, what if for the second time, she will find out na ang ama ng kanyang kambal na si Zoren Legaspi ay gaya rin ng kanyang ex-husband?

"Naku, parang malayo naman yata. Parang ano, parang guguho na yata ang mundo 'pag ganoon!" natatawang sagot ni Carmina.

Dugtong pa niya, "Pero, niloloko ko siya, ha. Running joke na sa amin na, 'Honey, umamin ka na. Umamin ka na.

"'Okay lang naman sa akin. Been there, done that,'" natatawang kuwento pa niya.

Ano naman ang nagiging sagot ni Zoren?

"'Oo, malapit na,' sabi naman niya. Wala na. Pinagtatawanan na lang namin."

May humirit pa rin ng tanong na, what if nga?

"What if? Teka, hindi, e. Kailangan ko yatang mag-motivate.

"Siguro, malabo. Masyadong malabo talaga. Parang hindi ko yata siya maaarok nang bonggang-bongga!"

FACING BB GANDANGHARI. Maliit lang kung tutuusin ang mundo ng showbiz. Pero, kahit noong umuwi na si Rustom sa Pilipinas bilang si BB Gandanghari, hanggang ngayon ay 'di pa raw nagkukrus ang kanilang landas.

"Alam niyo, hindi pa. Hindi ko rin alam kung nasaan na siya, o kung ano na ang pinagkakaabalahan niya.

"But, feeling ko lang, feeling ko lang, if ever na magkikita kami, mangyayari na lang. 

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name