Marian Rivera prepares special dishes for boyfriend Dingdong Dantes's birthday

Rose Garcia
Sunday, November 13, 2011 @ 12:43PM  |  6278 views


  "Ang mga niluto ko, Japanese fried rice, tapos gusto raw niya ng kaldereta, tapos pork steak. Gusto raw niya yung garlic shrimp ko. Garlic lang siya na nilagyan ng sauce," says Marian Rivera about the dishes she cooked for Dingdong Dantes's birthday celebration.

Photo By: Noel Orsal













Kahapon, August 1, ay dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng epicserye ng GMA-7 na Amaya sa Pagsanjan, Laguna. 

Doon napag-alaman ng PEP na mas maaga ang packup ni Marian Rivera sa taping noong araw na iyon.

Ito ay dahil pagkatapos ng taping niya ay didiretso na siya sa pagsalubong naman ng pamilya ni Dingdong Dantes sa kaarawan ng aktor ngayong araw na ito, August 2.

DINGDONG'S BIRTHDAY. Siyempre pa, hindi maiiwasan na ang unang itanong kay Marian ay kung ano ang inihanda niyang regalo para sa 31st birthday ni Dingdong.

"Basta may ibinigay ako sa kanya... binigay ko na.

"Tapos siguro, yung pinaka-espesyal do'n, sasalubungin namin ang birthday niya today, mamayang gabi. 

"Kaya nagmamadali ako sa mga eksena ko para makaabot ako!" natatawang biro pa niya.

Pero ayon kay Marian, ang makukunsidera raw siguro niyang special gift para sa kasintahan ay ang effort niya sa pagluluto ng ilang pagkain na special request ni Dingdong sa kanya.

Kuwento ng aktres, "Kagabi, pagkagaling namin ng Laoag, nag-promise kasi ako sa kanya na magluluto ako.

"Kung tonight pa ako magluluto, sobrang kakapusin. 

"So, nagluto na ako kagabi ng mga food na panghanda niya."

Ipinakita pa ni Marian ang pictures ng mga niluto niya noong gabi ng July 31 para may ebidensiyang nagluto nga siya.

Kuwento pa niya, "Ang mga niluto ko, Japanese fried rice, tapos gusto raw niya ng kaldereta, tapos pork steak. 

"Gusto raw niya yung garlic shrimp ko. Garlic lang siya na nilagyan ng sauce."

Sa condominium daw niya ito niluto lahat pagkagaling ng shooting niya ng Ang Panday 2 sa Laoag.

1  2  3  Next »

Related Articles

139 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name