Toni Gonzaga says boyfriend Paul Soriano gives her no reason to doubt him: "Secure na secure, haba ng hair ko hanggang EDSA!"

Rey Pumaloy
Friday, November 25, 2011 @ 09:41PM  |  4349 views


  "Saka hindi naman ako kilala na nagti-teleserye. Isa lang yun sa mga bagay na optional, na puwede mong gawin na kung hindi naman, puwedeng hindi naman," says Toni Gonzaga about doing teleseryes.

Photo By: Noel Orsal













Ang bagong season ng Pinoy Big Brother ang posibleng maging susunod na project ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN.

Pag nagkataon, tatlo na ang live shows ni Toni sa home network niya.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Toni sa weekly showbiz talk show na The Buzz at sa daily noontime show na Happy Yipee Yehey!.

Malabo nga talagang magkaroon ng teleserye si Toni para maipakita naman niya ang kakayahan niyang umarte sa telebisyon.

"Sa ngayon kasi, walang time," sabi ni Toni nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit hindi siya gumagawa ng teleserye.

"Kasi puro live show ang mga projects ko ngayon. Tapos nga, magpi-PBB pa. Mahirap, e, wala pang time."

Malamang daw sa susunod na taon ay ikunsidera niyang gumawa ng teleserye, pero hindi niya ito priority.

"Saka hindi naman ako kilala na nagti-teleserye," sabi ni Toni.

"Isa lang yun sa mga bagay na optional, na puwede mong gawin na kung hindi naman, puwedeng hindi naman."

Aminado si Toni na mas gusto niyang lumabas sa pelikula kaysa sa teleserye.

"Kasi mas ano yun, e, pang-matagalan. Saka iba ang pakiramdam.

"Kasi alam mong mas ginagawa mo or pinagbubutihan mo. Big screen kasi, e," paliwanag niya.

Ayaw niya bang makipagsabayan sa mga drama actress? Kilala kasi siya sa light drama-romance-comedy na genre.

"E, marami na tayong magagaling na kilala doon," sagot ni Toni.

"Siguro next time na lang tayo pag may chance.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

82 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name