KC Concepcion promises to be patient and understanding with boyfriend Piolo Pascual for as long as she can

Rose Garcia
Tuesday, November 29, 2011 @ 08:37PM  |  360 views


  "Tinatanggap ko siya nang buong-buo. At iniintindi ko siya nang buong-buo. Kasi, importante na kapag nag-commit ka sa isang relasyon, hindi mo siya iiwan sa ere. So, sinabi ko sa kanya yun. 'Noong nag-promise ako sa 'yo na kaya mo 'to, naniwala ako na kaya mo. So, nandito ako para hawakan ang kamay mo. At talagang magiging patient and understanding ako hangga't kaya ko. Hangga't talagang kaya ko pa," says KC Concepcion in committing herself fully to relationship with Piolo Pascual.

Photo By: Noel Orsal













Last week, absent sa The Buzz si KC Concepcion pero nagbigay pa rin siya ng pahayag tungkol sa pinag-uusapang pagkakalabuan ng kanilang relasyon ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi itinanggi ni KC na may pinagdadaanan silang pagsubok ng kanyang boyfriend. 

Sa Star Magic Ball noong Sabado ng gabi, September 3, magkasabay na dumating ang dalawa at magkasama rin na hinarap ang isyu sa kanilang relasyon. (CLICK HERE to read related story.)

Sila rin ang binigyan ng award sa nakaraang Star Magic Ball bilang Star Magic Male and Female Fashionistas.

WE ARE TOGETHER, STILL. Bago ang Star Magic Ball, nakausap ng The Buzz si Piolo sa airport no'ng dumating ito mula sa kanyang concert tour.

Inamin din ni Piolo ang naging pahayag ni KC na may pinagdadaanan nga sila ng girlfriend.


 Ayon kay Piolo, "Yes, exactly. Ganoon talaga. Normal naman yun. Maayos naman yun. Wala namang problemang hindi naayos."

"Yes, of course" din ang naging tugon ni Piolo when asked kung maayos silang dalawa at kung sila pa rin ba ni KC.

May contact at nagkaka-text-an naman daw sila ni KC noong nasa Malaysia siya.

Para kay Piolo, hindi naman dapat pangunahan pa ng iba ang kanilang relasyon.

Aniya, "Huwag namang pangunahan. There are things na nangyayari sa bawat relasyon. 

"Kung anuman ang pinagdadaanan namin noon, hinaharap natin yun. 

"Kung anu't anuman ang mangyari, let's just pray. Let's just pray na maging maayos."

HEART-TO-HEART TALK. Bago pa man nga raw humarap nang sabay sa Star Magic Ball, nagkausap na ang dalawa at napag-usapan ang anumang naging problema nila.

In fact, bukod sa pag-uusap, labis din daw na ikinasaya ni KC ang espesyal na regalong ibinigay sa kanya ng boyfriend.

"Masaya ako. Nakapag-usap naman kami and, you know, you really hope that it works out till the end, di ba?" sabi ni KC.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

80 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name