Lorna Tolentino says she still misses her late husband Rudy Fernandez: "Habang tumatagal, parang nag-i-intensify ang mga emotion mo."

Gorgy Rula
Friday, December 02, 2011 @ 12:45PM  |  3750 views


  Gusto ni Lorna Tolentino na mag-focus na lang sa kanyang pamilya. Kahit marami ang nagtutukso sa kanyang puwede na daw siyang makipag-date o tumanggap ng ligaw, wala na raw sa isip niya ito dahil na rin sa kanyang mga anak. Very vocal sina Raphael at Renz na ayaw daw nilang mag-asawa uli ang kanilang Mommy at ganun na rin daw ang pakiramdam ngayon ng aktres.

Photo By: Noel Orsal













Nagpapasalamat si Lorna Tolentino dahil matatapos na ang teleserye niyang Minsan Lang Kita Iibigin. Matutuloy na rin daw ang matagal nang pinaplano nila ni Amy Austria na bakasyon sa Boracay.

Baka sa September daw ay magbu-Boracay na sila kasama ang buong barkada at ang pamilya.

Ayaw munang isipin ni Lorna ang susunod niyang gagawin pagkatapos ng kontrata niya sa ABS-CBN 2 dahil ang gusto raw muna niya ay magpahinga.

Ani Lorna, "Masyado mabigat ang ginawa namin sa Minsan. Maski ako nag-decide na ang susunod, kung meron, gusto ko mabait na uli, kasi mahirap magkontrabida. Dusa talaga, masyado siyang nakaka-drain."

Ito raw ang kontrabida role na napagod siya nang husto dahil sa sobrang sama ng karakter na kailangan niyang i-internalize.

Kaya pagkatapos ng taping ngayong linggo, balak muna niyang mag-stay nang matagal-tagal sa kanyang farm sa Cavite kasama ang dalawa niyang anak.

Gusto na rin ni Lorna na mag-aral ng farming dahil marami na nga raw siyang tanim sa apat na ektaryang farm nito.

HE'S STILL THE ONE. Gusto ng aktres na mag-focus na lang sa kanyang pamilya. Kahit marami ang nagtutukso sa kanyang puwede na daw siyang makipag-date o tumanggap ng ligaw, wala na raw sa isip niya ito dahil na rin sa kanyang mga anak.

Very vocal sina Raphael at Renz na ayaw daw nilang mag-asawa uli ang kanilang Mommy at ganun na rin daw ang pakiramdam ngayon ng aktres.

Aminado itong lalo pa niyang nami-miss ngayon ang kanyang late husband na si Rudy Fernandez.

"Madalas nga kapag marami akong ginagawa — yung sagad-sagad ang schedule — may mga times na nami-miss ko pa rin si Rudy. Hindi ako nakakatulog pa rin nang maaga. Hindi ako makatulog, hinahanap ko pa rin siya. Siya pa rin," pahayag nito.

"Parang habang tumatagal, parang nag-i-intensify ang mga emotion mo.

"Kasi dati, alam mo na natatanggap mo na sa utak mo, wala na. Yung acceptance na matagal na to ah, na wala na. Yung reality na iyun. Ang nangyayari tuloy, lalo mong nami-miss, lalo mong hinahanap.

"Lalo na pag may konting problema, kasi wala kang karamay, wala kang katabi, wala kang susumbungan, wala kang sasabihan na, wala kang hihingan ng tulong," seryoso na niyang pahayag.

Ganun pa rin daw ang ayos nito sa kuwarto dahil hindi pa rin niya ginagalaw ang mga gamit ng nasirang asawa.

1  2  Next »

Related Articles

40 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name