Carla Abellana admits boyfriend Geoff Eigenmann will be "uncomfortable" watching her daring scenes in My Neighbor's Wife

Ruben Marasigan
Thursday, December 08, 2011 @ 08:35PM  |  213 views


  "Kahit minsan, ang nakakagulat pa, yung mga hindi natin akalain, di ba? Nagkakamali rin. Na napaka-sensitive na issue, na I'm sure wala namang may gusto na maka-experience ng gano'n. Pero, hindi ko naman pinag-iisipan si Geoff na baka gano'n siya. No naman. Importante sa isang relasyon ang trust. Kung wala niyan, wala," says Carla Abellana when asked her opinion on betrayal.

Photo By: Noel Orsal













Sa red-carpet premiere ng pelikulang My Neighbor's Wife noong September 11, halos lahat ng nanood ay nagulat na napapayag nga si Carla Abellana na gawin ang mga passionate kissing scenes at love scenes niya with both Jake Cuenca and Dennis Trillo. 

Talagang hindi siya nagpatalbog kay Lovi Poe na walang kiyeme rin ang mga ginawang sexy scenes.

Tanong nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres na unang nakilala sa kanyang sweet at wholesome image, gaano katagal niya kinundisyon ang sarili para sa mga gano'ng mga eksena sa pelikula?

"Sobrang mabilis lang," aniya. "Less than a month lang yung preparation namin para sa pelikulang 'to.

"Mabuti na lang nakapag-workshop kami. Nakapag-story conference kami. 

"Tapos binasa ko nang maige yung script nang paulit-ulit. 

"So, very short time talaga yung preparation ko for the role.

"Sobrang hirap din ng preparation for this. Naintindihan din naman kaagad ng family ko na yung role na gagawin ko ay medyo mature at daring. 

"But really, itinuloy ko itong pelikulang ito kasi it's more than that. Na sexy at mature ang role ko.

"Mas marami pa silang makikita sa pelikula, e. Napakaganda ng lesson ng istorya. 

"And it's an opportunity na rin for me to... show my acting ability," saad niya.

CONFIDENT WITH GEOFF. About infidelity ang tema ng pelikula. Nagkakaroon ba siya ng takot na baka ang boyfriend niyang si Geoff Eigenman ay maging unfaithful din?

"Siyempre naman, kahit sinong tao, may takot once you get into a relationship. Lalo na siguro sa maaga mag-aasawa.

"Ang infidelity kasi, talagang nangyayari 'yan sa paligid natin, e. 

"Kahit minsan, ang nakakagulat pa, yung mga hindi natin akalain, di  ba?  Nagkakamali rin. 

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name