Humarap si Vice Ganda sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kahapon, August 29, kaugnay ng pagiging endorser niya ng Globe SuperUnli AllText 25.
Ginanap ang presscon sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.
Nahaluan ng kontrobersiya ang naturang presscon dahil last August 11 ay nagpatawag na ang Globe ng presscon for Vice. Pero nagtaka ang mga invited press dahil imbes na si Vice ang humarap, katulad ng nakasaad sa text invites, sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ang dumating.
Tuloy, may nang-iintriga na baka ayaw raw makasama ni Vice sina Sarah at Gerald.
Pero maayos namang naipaliwanag ni Vice sa kanyang presscon kahapon kung ano ang nangyari.
"Yung 'we're invited for Vice Ganda's presscon,' hindi ko alam yun," simula ng comedian.
"At saka, bakit naman ayaw kong kasama silang dalawa? Walang ganoong isyu.
"Noong nalaman ko yung ganoong isyu, wala lang din. Tinanong ko rin, 'Bakit ganoon, bakit hindi sila yung nilagay?'
"Kasi raw, hindi raw nila puwedeng i-squeal. Parang surprise nga raw na si Gerald, i-introduce.
"Kaya lang, noong nagkaroon na ng negative effect, tapos nabasa ko sa tweet na 'nakakaloka ang presscon ni Vice, pero wala naman si Vice...' So, sabi ko, 'Uy, ano yun Ogs, ano yung presscon ko?'"
Ang tinutukoy na "Ogs" ni Vice ay ang kanyang manager na si Ogie Diaz.
Patuloy na kuwento ni Vice, "Sabi naman ni Ogie, 'Hindi, presscon yun ni Gerald.'
"'E, bakit sinabi presscon ko? Mag-e-expect sila na ako ang makikita nila.'
"Kahit naman siguro ako ang press, magre-react ako. Pinapunta n'yo ako, tapos hindi naman pala si Vice.
"Tapos sabi niya, 'Hindi, may ipo-provide silang another presscon sa 'yo, kaklaruhin namin yun.'




0

