Nora Aunor opens up to YES! about her past relationships with Tirso Cruz III and Christopher de Leon

Jocelyn Jimenez
Friday, December 23, 2011 @ 03:50AM  |  4927 views


  Superstar Nora Aunor recalls what happened in her relationship with former flames, Tirso Cruz III and Christopher de Leon. Thus, when she talked about her failed relationship with Christopher, Nora said: "Kasalanan ko din naman kasi, e. Hindi ko naman mapaalis ang mga fans. E, hindi rin naman sanay si Boyet sa ganoon. Kaya minsan hindi niya maintindihan 'yong ganoon, 'yong bakit maraming tao sa bahay. Hindi mo puwedeng mapauwi 'yong mga fans..."

Photo By: Courtesy of YES!













Isa si Nora Aunor sa mga pinakahinahangaang aktres hanggang ngayon.

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung maraming kalalakihan ang nahumaling sa kanya lalo na noong kanyang kasikatan.

Gayunman, dalawang lalake mula sa showbiz ang nagpatibok ng puso ng Superstar—sina Tirso Cruz III at Christopher de Leon.

Sa exclusive interview ng YES! magazine kay Ate Guy, ikinuwento niya ang ilang detalye sa kanyang mga naging relasyon noon, na hindi pa nalalaman maging ng kanyang mga tagahanga.

TIRSO CRUZ III. Ang aktor na si Tirso Cruz III, o mas kilala bilang "Pip," ang unang nakarelasyon ni Ate Guy.

Pag-amin ng Superstar, hindi pa man daw niya nakikilala nang personal noon si Pip ay tagahanga na siya nito.

Kuwento niya sa YES!, "Nasa Bicol pa ako, di pa ako nag-aartista o nakikilala, nag-aaral pa lang ako noon, pag nakikita ko si Pip excited na excited ako.

"Kaya nag-aabang ako doon sa kapitbahay namin.

"'Hoy, panonoorin ko doon, baka si Pip ang guest.'

"'Yong ganoong klaseng fan..."

Hanggang sa ang dating tagahanga ay naging nobya ng kanyang iniidolo.

Naging matagal ang relasyon nila Pip at Ate Guy. Bagamat may mga pagtatalo, sa huli'y makikita silang sweet sa isa't isa.

Gayunman, bunga ng ilang mga dahilan, naging matamlay ang kanilang relasyon at nagkahiwalay sila.

CHRISTOPHER DE LEON. Matapos ang kanyang relasyon kay Tirso Cruz III, sumunod na naging kasintahan ni Nora ang baguhan pa noong aktor na si Christopher de Leon, o mas kilala bilang "Boyet."

Nagkakilala ang dalawa habang ginagawa nila ang pelikulang Banaue ng NV Productions noong 1975.

1  2  Next »

Related Articles

70 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name