Alex Gonzaga on past relationship with Kean Cipriano: "Wala. Hindi siya nag-sorry."

Rey Pumaloy
Friday, February 03, 2012 @ 02:03PM  |  9132 views


Alex Gonzaga on her past relationship with Callalily vocalist Kean Cipriano: "Hindi naman sa nadala, mas nakilala ko lang siya ngayon.  Alam na namin ngayon kung paano ita-trato ang isa't-isa. Alam na namin kung ano ang ugali niya at kung ano ang ugali ko."   Alex says: "Wala. Hindi siya nag-sorry."














Next year, asahang mas marami pang acting projects ang gagawin ng "original TV5 primetime princess" na si Alex Gonzaga, ngayong malapit na siyang magtapos sa kolehiyo.

Sa press launch para sa kanyang bagong lalabas na serye sa TV5, ang P.S. I Love You, noong Nobyembre 16, masaya nitong ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ga-graduate na siya.

"Hindi po ako nag-stop sa pag-aral, nadi-delay dahil konti lang yung mga kinukuha kong mga subjects.

"Pero ngayon, last sem ko na ito, ga-graduate na ako," masaya niyang lahad.

Humanities with Special Education and Education ang kurso ni Alex na kinuha niya sa loob ng halos anim na taon. 

KEAN CIPRIANO. Biniro namin siya na baka ang pagkakawindang niya sa diumano'y secret love relationship nila ni Kean Cipriano ang rason ng pagkaka-delay ng pagtatapos niya ng kolehiyo.

Nagulo ba ni Kean ang utak niya kaya hindi siya nakapag-concentrate sa pag-aaral nitong nong nakaraang taon?

"Hindi niya nagulo, naiayos nga niya!" birong tugon muna ni Alex saka nagseryoso sa sasabihin. 

"Wala, siguro dahil ano lang, sa trabaho lang dahil napupuyat. 

"Minsan maaga ang class ko, kasi pinapakuha sa akin ang maagang class para hindi ma-delay sa taping.

"So, hindi ako nakaka-attend sa class kaya lagi akong late," paliwanag niya.

Pahaypaw na inamin ni Alex ang ginagawa niyang pagtakas sa bahay nila para lang makapaglakwatsa. Pero ngayon ay tinigilan na raw niya ito.

"Hindi na ako tumatakas... kase pag tumatakas ako, tinatawagan ng mommy ko yung mga kasamahan ko. 

"Ayoko nang tumakas.

"Pero hindi naman talaga takas. Like, after ng taping, nanonood muna ako ng sine," saad niya.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name