Say Alonzo being courted by two suitors

Alex Datu
Tuesday, June 05, 2007 @ 03:11PM  |  699 views

After dispelling rumors that she dated Erik Santos, Say Alonzo reveals that she now has two ardent suitors.
Photo By: Noel Orsal













Sa The Buzz last Sunday ay nagbigay ng kanyang panig ang Pinoy Big Brother Season 1 ex-housemate na si Say Alonzo tungkol sa pagdidiin na siya ang third party sa pagmamahalan nina Rufa Mae Quinto at Erik Santos, na ngayon ay namimiligrong maging on the rocks.



Sa paliwanag ng dating Bahay-ni-Kuya housemate ay lumalabas na magbarkada ang tatlo at magkakasama pa sila sa kanilang church activity.



Nagbigay siya ng assurance sa komedyana na kailanman walang mangyayaring ugnayan sa kanila ni Erik dahil sa ngayon ay mayroon itong dalawang mangingibig. Ayon sa kanya, ang isa ay taga-showbiz at ang pangalawa ay non-showbiz ngunit nakikita rin sa showbiz circles dahil isa itong modelo.



Ang masasabi nito sa kanyang taga-showbiz suitor ay sobrang kinikilig siya dito.

 

"Sino ba naman ang hindi makaka-type sa kanya dahil guwapong-guwapo siya, but siyempre he has to prove kung serious siya o hindi."



Inamin nitong nanligaw sa kanya ito simula pa noong February, pero hanggang ngayon ay di pa raw alam ng dalaga kung ano ang nararamdaman niya para sa manliligaw.

 

"Hindi ko pa alam kung gusto ko siya eh. Kasi all looks lang siya. Tinitingnan ko kung may brains."



Inamin nitong hindi pa sila nagdi-date dahil umiiwas siyang makitang magkasama sila na puwedeng pagpiyestahan ng media.

 

"Nagtatawagan lang kami, text. Actually, di talaga ako sure sa kanya kaya humihingi na lang ako ng sign kung it's the right time for me na magkaroon ng bf kasi ang priority ko talaga ay ang aking work."



Pag-amin ni Say, "Iba kasi ako. Kapag sobrang na-in love, nakakalimutan ko ang trabaho ko. Kaya nagsa-suffer ang career ko."



Hindi kaya siya nanggaling sa Pinoy Big Brother?



"Ha, PBB? Secreeeet!"



Hindi talaga mapilit ang aktres para sabihin kung sino itong taga-showbiz na kanyang manliligaw kaya mas minabuti namin na humingi ng clue sa pamamagitan ng initial ng pangalan.

 

"Yong showbiz M, at 'yong model L."



About her model suitor, nababaitan daw siya dito, kaso lang, sobrang mukha raw itong playboy.

 

"Nagsimula itong manligaw noong April kaya lang di ko sure kung nanliligaw talaga ito. Mahilig lang pumorma."

 

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name