Rudy Fernandez's best buddies remember the loving person Daboy was

Rose Garcia
Monday, June 09, 2008 @ 07:33PM  |  22 views

"Ang pagmamahal ng isang kaibigan. Pagmamalasakit. Alam ko naman na kahit na wala na si Daboy ay ibibigay pa rin ng dalawang katabi ko. Masakit lang talaga na nawalan kami ng isang matalik na kaibigan," says Sen. Bong Revilla about Rudy Fernandez and his two other buddies, Sen. Jinggoy Estrada and Phillip Salvador.
Photo By: Paul Mata














Live telecast ang Showbiz Central noong Linggo sa Heritage Park, kung saan kasalukuyang nakaburol ang labi ng actor na si Rudy Fernandez. Ang Showbiz Central host na si Pia Guanio ang siyang nag-interbyu sa itinuring ni Daboy na tatlo sa kanyang pinakamatatalik na kaibigan sa showbiz—Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, at Phillip Salvador.

 

Unang tanong ni Pia kay Jinggoy ay kung gaano nga ba kahirap at kasakit ang mawalan ng isang kaibigan na tulad ni Rudy Fernandez.

 

Tulad nga ng naiulat na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), isa si Jinggoy sa mga taong nasa tabi ng deathbed ni Daboy nang pumanaw ito noong Sabado ng umaga.

 

"Sa akin, he's very very close to me. Para ko na siyang kapatid. Talagang mahirap...mahirap mag-adjust. Dahil araw-araw, kausap ko siya. ‘Tapos ngayon, wala na ‘kong matatawagan. Hindi na niya ‘ko matatawagan kaya talagang napakahirap," umpisang pahayag ni Jinggoy.

 

Para kay Bong naman, "Isang kapatid na rin ang nawala sa amin. Yung palagi mong kausap. Palagi mong ka-text. Palagi mong kasama. Lalo na sa mga bagay na kapag may problema ka, nandiyan siya. Pero alam niyo, sa ngayon, tuwing ipipikit namin ang mata namin, nakikita namin siya, e.

 

"Napakabigat lalo na yung paghihirap na dinanas niya. Parang bangungot ang nangyayari, e. Sabi ko nga, sana ito ay isang pelikula na lang na may sisigaw ng cut!"

 

Tulad din ng sinabi ng dalawa, para kay Ipe ay more than a friend for him si Daboy. Isa na raw itong kapatid at kapamilya para sa kanya. Aniya, "Wala akong nakitang taong pinaka-positive kundi ‘yang si Daboy. Ibang klase ‘yan. Ibang klaseng magbigay ng hope ‘yan. Medyo kapag talagang parang bagsak ka, siya ‘yung, ‘wala ‘yan...kaya natin ‘yan. Pagtutulung-tulungan natin ‘yan.' Dapat positive ka palagi."

 

Dugtong pa niya, "E, ‘yan ang pacifier namin. Siya yung pinakikinggan naming tatlo."

 

A FRIEND IN HIS FINAL MOMENTS. Ikinuwento rin ni Jinggoy kung paano niya hinarap ang paglisan ni Daboy since naroon nga siya hanggang sa huling sandali ng kaibigan.

 

"I was there on his bedside together with Lorna and his kids. When I look at the monitor, ‘yung kanyang heart rate, medyo flat line na. So, sinenyasan ko si Doktora, si Dra. Gina, she also looks at me at sinabi niyang wala na...

 

"So, sinabi ko sa kanya [Daboy] na magpahinga ka na. Hirap na hirap ka na. Ako na ang bahala sa pamilya mo. I'll take care of them. Yun lang ang nasabi ko."

 

Ang sumunod na tanong naman ni Pia ay para kay Bong at kung ano ang naging huling pag-uusap nila ng kaibigang si Rudy at kung meron ba itong naging habilin, especially to his family?

 

"Well, up to the last minute, si Daboy yung tipong hindi niya ipararamdam sa ‘yo na nanghihina na siya. Siya yung tipong, ‘lalaban ako up to the last,' ganoon siya, e. In fact, nang sunduin nga namin sa airport 'yan, pinipilit niyang idiretso ang katawan niya. Lalakad pa rin kahit hirap na hirap na siya. Sabi lang namin, ‘mag-wheelchair ka na.' Ganoon siyang klaseng tao, up to the last minute, hindi niya ipapakita sa mga taong nahihirapan na siya."

 

Pero napansin daw ni Bong na yung mga last few hours, iyon yung naging aminado na si Rudy sa nararamdaman at tila nagsasabing, "Pare, hirap na hirap na ko."

 

Bong regretted na kung alam lang daw niya, hindi na raw sana siya umalis sa bahay nina Rudy at Lorna sa White Plains around 4 ‘o clock in the morning. "Kung alam ko lang, hindi na sana ‘ko umalis. Pero sinabi ng doktor na, magpahinga na kayo para may karelyebo naman kung kaya't si Jinggoy nga raw ang pumalit sa kanila.

 

1  2  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name