Lani Mercado on Bong's political plans: "Hinga tayo nang malalim."

Julie G. Bonifacio
Friday, September 26, 2008 @ 09:03AM  |  754 views

When asked how she feels about being a second-time lola, Lani Mercado said: "Ang tanda ko na! Naalala ko tuloy ang age ko." Her eldest daughter Inah del Rosario is expected to give birth any time this week.  
Photo By: Noel Orsal













 

Punong-abala sa 42nd birthday celebration ni Bong Revilla ang kanyang misis na si Lani Mercado. Naganap ang party sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan, noong Miyerkules, ika-24 ng Setyembre. Napakaagang dumating ni Lani sa venue kaya nagkaroon ng chance ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap siya.

 

Una naming inusisa ang birthday gift niya para sa senador.

 

"Nakarating  na sa kanya yung gift ko. Nauna pa. Alam na niya yun. It's for traveling. It's a bag for traveling," simula ni Lani. "Sa dami kasi ng bagay na meron siya, ang hirap na niyang regaluhan."

 

Dagdag pa niya, "Ah, mas nakakatawa nga, siya pa yung may ireregalo sa akin kesa sa ako yung magre-regalo sa kanya."

 

Nang tanungin siya tungkol sa tatak ng bag, kung ito ba ay Louis Vuiton, ang tanging nasabi niya, "Tinataas ko na ang kilay ko."

 

SECOND-TIME LOLA SOON. Noong gabi ring iyon, isa pang pangyayari ang posibleng maganap—ang panganganak ni Inah Revilla-del Rosario, panganay na anak nina Lani at Bong.

 

Ang kuwento ng host-actress, "Hindi pa natin malaman kung normal ba siya o caesarian. Actually, yun din ang mga tanong ko sa kanya. Sabi ko, normal ka ba o CS? Pina-check mo na ba? Sabi niya, we're pushing for normal delivery. Wala namang sinasabi yung doctor. ‘Pag nandun na, yun ang malalaman natin kung normal or CS. Kasi she looks, ano na siya...mukhang due na talaga siya...."

 

Sa Makati Medical Center daw nakatakdang manganak si Inah. Nakahanda na ba sila sa pagdating ng kanilang pangalawang apo?

 

"Ay, nag-Lamaze lessons na siya," sagot ni Lani. "Nagsha-shopping kami almost every week para maayos ang kanyang mga gamit sa baby. Ayun, may pinadala pang mga boxes ang kanyang mother-in law from the States. 'Tapos yun, inayos namin ang kanyang  nursery."

 

Naikuwento pa ng maybahay ng senador na pinakiusapan daw nito si Inah na huwag isabay ang panganganak sa birthday celebration ng kanyang ama.

 

"Ang sabi ko sa kanya, ‘Anak, huwag ka munang manganganak ng 23, 24 at 25. Twenty six, manganak ka na,' yun lang ang sabi ko. Pero hindi ko naman mapipigilan ang pag-iri niya ‘pag humilab na yung tiyan niya." 

 

Kakayanin kaya ni Inah ang normal delivery?

 

"Kaya niya, kakayanin niya," ang sagot ni Lani. "Yung Lamaze lessons nga niya may naka-stipulate pa sa contract na no medications, kasi ganun, e. May Lamaze with medications, merong wala. Eto, I think, she signed it na wala. So, good luck sa kanya kasi ako never kong nagawang mag-Lamaze."

 

At kung meron man daw siyang advice kay Inah, iyon ay ang magkaroon ng presence of mind.  

 

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name