Noong bisperas ng Todos Los Santos, dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang puntod nina Rudy Fernandez at Rico Yan.
Hindi pa ganoon karami ang tao pero nagmistulang tourist attraction ang lugar na kinahihimlayan ng mga yumaong idolo. Maya't-maya, may kumukuha ng larawan at nag-aalay ng dasal at mga bulaklak.
Si Rico ay anim na taon nang pumanaw subalit nananatiling buhay ang mga alaalang iniwan niya sa kanyang mga tagahanga.
Si Rudy naman ay ngayong taon lang sumakabilang-buhay, at talaga namang ramdam na ramdam ng showbiz ang kanyang pagkawala, dahil hindi matatawaran ang naging kontribusyon nito sa industriyang minahal niya at minahal siya.





