Si Gab Valenciano at ang kanyang dance partner na si Jasmine Navelgas ang itinanghal na winners sa bagong season ng Shall We Dance, a celebrity dance competition on TV5 hosted by Lucy Torres-Gomez with Jon Avila and Victor Basa. As winners of the competition, Gab and Jasmine each won a cash prize of P500,000.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gab sa Studio 5 ng TV5 sa Hemady, New Manila noong Lunes, Novemebr 10. Tinanong namin siya kung ano ang gagawin niya sa napanalunan niyang premyo.
"I will produce my studio album, and we called it Project Atlantis," sabi ni Gab. "I will be producing all the ten to twelve original songs, and I'm glad and excited about it."
Dagdag niya, "Hindi ko in-expect na mananalo ako. Akala ko tatanggalin ako kasi I'm Gary Valenciano's son. At may pressure sa akin ‘yon dahil baka isipin ng mga tao, kaya ako nanalo dahil tatay ko si Gary Valenciano. I talked to Dad at sabi niya, okey lang daw ‘yon, I just do my best.
"Akala ko, si Danilo Barrios of Streetboys and his partner ang mananalo, o si Jopay Paguia of SexBomb, dahil talagang mga dancers sila, alam nila lahat ng dances. Tapos kami, least rehearsal pa dahil, di ba, kasama ako ni Dad sa concert niya sa Europe? Nang bumalik kami, semifinals na. Mahirap, kaya I asked my mom [Angeli Pangilinan-Valenciano] why she let me join the contest. Nasabi ko rin na after Shall We Dance, I will not join any dance contest again," lahad ni Gab.
Bukod sa album niya, ang iba raw sa napanalunan ni Gab ay ide-deposit niya sa bangko at ang 10 percent nito ay mapupunta sa church nila.
"Nagulat nga ako when I attended our church service after I won, they congratulated me. Napanood pala nila!" kuwento ni Gab.
GARY V'S CONCERT. Sa November 14 and 15 ay gaganapin ang two-night concert ng ama ni Gab na si Gary V, ang Gary V Live @ 25, sa Araneta Coliseum. Guest si Gab dito kasama ang mga kapatid niyang sina Paolo at Kianna. Ang iba pang guests ay sina Karylle, Rachel Ann Go, Sugarfree, Bloomfields, Salamin, Powerplay, Pinoy Dream Academy winners Yeng Constantino at Laarni Lozada, Maneouvres, Philippine All Stars G-Force, at mga surprise guests.
Ano ang kakaibang gagawin ni Gab sa concert since alam namang pagdating sa sayaw, kayang-kaya niyang sabayan ang amang si Mr. Pure Energy?
"Ibang-iba talaga," paniniguro ni Gab. "Two things na iba ang gagawin ko sa concert. First, I will play the drums with 16 Brazilian percussionists. The other one, I will do a very passionate dance number na ngayon ko lang gagawin. Sana magustuhan ng mga tao."
Kung papipiliin si Gab, anong songs ng daddy niya ang gusto niyang i-revive?
"Gusto ko ang Christian song niyang ‘Letting Go' and ‘Search And No.' It makes me feel that God is always there. Among his popular songs, gusto kong i-revive ang 'Growing Up,'" sabi ni Gab.
STUDYING ABROAD. Tuloy ba ang plans niya to study abroad next year?
"Yes, by March 2009, I'll be leaving," wika ni Gab. "Actually, I know showbiz is not for me talaga. For six months, nag-stay na ako sa Alabang for my Bible school. I live with my pastor and his family para magkaroon na ako ng background kung ano ang gagawin ko kapag nag-start na ako ng classes ko sa Full Sail University in Florida.
"I will stay with my lola, Dad's mom. Medyo mahirap ang studies ko doon dahil 60 to 70 hours a week ang classes ko. I'll be a musical producer after I finish my studies in two years. Then, I will go muna sa Nashville, Tennessee, the center of Christian music, bago ako bumalik dito."





