Marky Cielo's burial is set on December 15

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, December 11, 2008 @ 12:31AM  |  1095 views

  The family Marky Cielo, who passed away last December 7, has decided to bury his remains on Monday, December 15, at the backyard of their house in Sinto, Bauko, Mountain Province. 
Photo By: File photo














Apat na araw pagkatapos sumakabilang-buhay ang young actor na si Marky Cielo ay nadala na rin ngayong araw, December 11, ang kanyang bangkay sa Sinto, Bauko, Mountain Province. Dito lumaki si Marky, na noong buhay pa ay laging ipinagmamalaki ang kanyang pagiging Igorot.

 

Bago nakarating ang mga labi ni Marky sa Mountain Province ay pansamantalang ipinasok muna sa Cathedral of Resurrection sa Baguio City kahapon, December 10, upang masilayan siya sa huling pagkakataon ng mga kamag-anak at kaibigan niya roon. Bago kasi sumali si Marky sa Batch 3 ng StarStruck, kung saan siya ang itinanghal na Ultimate Sole Survivor, ay nag-aral muna siya sa St. Louis University.

 

Pasado also-dose ng hatinggabi kanina nang lisanin ng funeral convoy ni Marky ang Baguio City papuntang Mountain Province.

 

Ayon sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, naging mainit ang pagtanggap ng mga kababayan ni Marky sa kanya sa kabila ng malamig na panahon. Pero labis na dalamhati ang naramdaman ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ni Marky pagkakita sa bangkay ng itinuturing na "pinakaboritong anak" ng Sinto, Bauko.

 

Personal ding nagtungo sa Mountain Province ang action superstar na si Robin Padilla upang makiramay sa pamilya ni Marky. Nagkasama sina Robin at Marky sa action-adventure series noon ng GMA-7 na Asian Treasures at sa pelikulang Till I Met You ng GMA Films.

 

Dumagsa rin ang iba pang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kapitbahay ni Marky sa kanilang tahanan upang makita nila sa huling sandali ang kanilang pinakasikat na kababayan. Kaninang hapon naman ay isang misa ang isinagawa para kay Marky.

 

Nakatakdang ilibing ang mga labi ni Marky sa Lunes, December 15, bandang alas-dos ng hapon. At bilang bahagi ng tradisyon ng mga Igorot at sa kagustuhan na rin ng kanyang pamilya, ililibing si Marky sa bakuran ng kanilang tahanan.

 

Sumakabilang-buhay si Marky—na ang tunay na pangalan ay Mark Angelo Cadaweng Cielo—nooong Linggo, December 7, sa murang edad na 20.

 

Napapanood pa rin hanggang ngayon si Marky sa GMA-7 primetime series na La Lola dahil nakapag-adavanced taping pa siya bago siya namatay. Maririnig din ang kanyang tinig sa anime na Bleach, kung saan siya ang nagbigay-boses sa karakter na Ichigo Kurosaki.

 

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name