Camille Prats wants brother John to end up with Shaina Magdayao

Glen P. Sibonga
Wednesday, April 15, 2009 @ 11:03PM  |  52 views


  "Parang hinihila na nga namin yung panahon para maikasal sila. Kasi nga, gusto nga namin na mag-end up sila together. Pero it's still gonna be a long way kasi si Shaina is still very young. Tapos si Kuya naman, bata pa rin si Kuya. At saka marami pa rin silang gustong gawin sa buhay nila. Wini-wish lang namin na sana ganun ka-strong yung love nila for each other para makatagal sila and eventually get married," says Camille Prats.

Photo By: Noel Orsal













Botong-boto pala si Camille Prats kay Shaina Magdayao, na girlfriend ngayon ng kanyang kuya na si John Prats. Parang magkapatid na nga raw talaga ang turingan nila ni Shaina.

 

"You know, si Shaina naman lumaki siya na kasama ko, e. So, talagang kilalang-kilala ko na yung ugali niya maliit pa lang siya," pag-amin ni Camille nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Ano ang mga "sister bonding" nila ni Shaina?

 

"Naku, madami! Unang-una yung videoke, yung salon."

 

Kasama ba nila si John?

 

"Minsan, kaming dalawa lang. Minsan mga movies, mahilig kasi siya sa movies. Nagdi-DVD marathon kami minsan. Yung mga kakikayan na fashion, ganyan."

 

Sa tingin niya, gaano kamahal ni John si Shaina?

 

"Alam n'yo po kasi sa lahat ng naging girlfriends ni Kuya, ngayon ko lang siya nakita na he really wants to save for his future. Because he wanted Shaina to be that person na, you know, eventually he will grow old with," sabi ni Camille.

 

So, nag-mature na ba si John when it comes to a relationship?

 

"Oo. Kasi Kuya ko pa naman napaka-playful. Kung ano lang ang nandiyan, go lang siya nang go. Pero ngayon, nakikitaan mo na siya na may direksyon na. Alam mo yun, na ito ang gusto ko, ganun."

 

Gaano katanggap ng Prats family si Shaina?

 

"Ay, sobrang tanggap na tanggap!" bulalas ni Camille. "Parang hinihila na nga namin yung panahon para maikasal sila. Kasi nga, gusto nga namin na mag-end up sila together. Pero it's still gonna be a long way kasi si Shaina is still very young. Tapos si Kuya naman, bata pa rin si Kuya. At saka marami pa rin silang gustong gawin sa buhay nila. Wini-wish lang namin na sana ganun ka-strong yung love nila for each other para makatagal sila and eventually get married."

 

BABY NATHAN. Inaanak sa binyag ni Shaina ang baby ni Camille na si Nathan. Speaking of Nathan, kinumusta na rin ng PEP kay Camille ang kanyang anak.

 

"He's one year and one month. Sobrang daldal na! Ang dami-dami niyang sinasabi. Si Jollibee ang kanyang kinalolokohan ngayon. Binili nga namin siya ng DVD na si Jollibee kumakanta at sumasayaw, naloloka talaga siya!"

 

Hindi naman daw naging problema ang pagbabalik showbiz niya lalo na ang paggawa niya sa pelikulang T2 under Star Cinema, kung ang  pag-uusapan ay ang pag-aalaga niya kay Nathan.

 

1  2  3  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name