Iba't ibang reaksiyon ng fans ang nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa latest issues ng Superstar Nora Aunor. Kung tutuusin ay hindi na rin bago ang mga reaksiyon ng mga tagahangang patuloy na nagtatanggol kay Nora, kahit malaon na siyang naninirahan sa U.S.
Itinuturing pa rin siyang Superstar ng mga masugid na tagahanga't tagapagtanggol niya sa local press o media. Kabi-kabila man ang naiuulat na "hindi kagandahan at kasaganahang takbo ng buhay" sa U.S. ay patuloy ring nababanggit ang matatagumpay na series of concert performances ni Ate Guy sa iba't ibang U.S. key cities.
Ang ibang ulat naman, hindi rin kaiga-igaya dahil madalas nagkakaroon ng problema si Ate Guy sa mga producer ng shows doon, pati sa isang publicist/promoter na dating taga-local media.
COMEBACK FILM? Lately, marami ang ispekulasyon na magbabalik sa bansa si Nora upang gumawa umano ng pelikula.
Ang naririnig namin, mula sa kampong nagtataguyod sa aktres—mga taga-press na dating die-hard Noranians at mga fans na miyembro ng samahang GANAP at ng International Circle of Online Noranians (ICON)—matutuloy na umano ang paggawa ni Nora ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema-ABS-CBN Productions, Inc.
Kung mayroon man umanong senyales ukol dito, ito'y ang nakaraang pagpunta sa U.S. ni Ms. Charo Santos-Concio—pangulo ng ABS-CBN at ng Star Cinema, ang movie production outfit ng network—nang manood siya ng Oscar Awards. Posible umanong nagkaroon din ng pagkakataong maka-meeting ni Charo si Nora.
Pero wala pang kumpirmasyon ukol dito. Pulos haka-haka lamang.
"Hindi Star Cinema ang Star Cinema kung wala silang na-produce na pelikulang bida si Nora Aunor. 'Yan ang tiyak at totoo, kaya gusto ni Charo Santos na matuloy si Nora sa paggawa ng pelikula sa kumpanya nila," wari'y tiyak sa sinasabi ang nakausap naming Noranian mula sa press at kabilang sa ICON.
Sa mga nababasa naming e-mail messages mula rin sa mga tagahangang US-based, nalaman naman namin ang tungkol sa pinaplanong gawing digital movie doon, na si Nora ang magbibida at ang magiging direktor niya'y ang premyado ring si Celso Ad. Castillo. Ang title ng pelikulang digital: Do Filipinos Cry In America?
Wala pang ibang detalye tungkol sa project. At wala pang kasunod na mga ulat.
Ang panimulang ulat lamang, ito'y proyektong naisaisip, bunsod ng pagkakapanalo ng Best Picture sa nakaraang Oscar Awards ng pelikulang Slumdog Millionaire na idinirek ni Danny Boyle, nanalo ring Best Director.
Kung sakali, ang Do Filipinos Cry In America? ni Celso Ad. Castillo—na ididirek sa unang pagkakataon, in a full-length role, si Nora Aunor—could be the "Pinoy movies' answer" to Boyle's Slumdog Millionaire.
Masasabing "ambitious prospect" ang naturan, pero hindi na ito iba sa pandinig at pagkakaalam ng mga Pinoy na nakakakilala sa direktor na matindi ang passion sa kanyang sining. O lalo't malaon na rin nitong gustong maidirek sa feature film ang hinahangaan ding Superstar.
For the record, noong 1986, naidirek lamang ni Celso Kid (tawag sa kanya ng mga taga-industriya) si Ate Guy sa isang sequence ng pelikulang Payaso, na bida si German "Kuya Germs" Moreno. Tagapag-alaga ng mga batang lansangan si Nora sa nasabing sequence, kung saan inawit niya ang "Payaso" theme song, sakay ng karitong kahoy na gamit ng mga batang palaboy na namumulot ng mga basura.
The said sequence created quite an impression (ipinalabas 'yon bilang entry sa Metro Manila Film Festival). At hindi kataka-takang sa sitwasyon ni Nora ngayon, na nasa U.S. siya, isang pelikula ring tumatalakay sa realidad ng buhay-Pinoy ang maiisip gawin ni direk Celso.
NORA-VILMA RIVALRY. Sa isang banda, napagtagumpayan na ni Celso Ad. Castillo ang mga pelikulang pinagbidahan naman ni Vilma Santos back in the late '70s, tulad ng Burlesk Queen (1977) at Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak (1978), na naparangalang Best Picture sa Gawad Urian at FAMAS.






Yippeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
Love you Ate guy. Pag uwi ni Nora sa Pinas sasabay ako sa kanya para manood ng concert niya sa Araneta !!
come what may
blueapple____ magparamdam naman u girl.
S U P E R S T A R
na-bad karma tuloy cya. good for mr. boy abunda, noranians kc, good karma
kaya un nambibira d2 ng personalan na k ate guy, beware of karma
i love you ate guy