Masaya ang aktres na si Sheryl Cruz na isa siya sa iilang mga artista na malayang nakakapagtrabaho sa dalawang higanteng networks sa bansa, ang ABS-CBN at GMA-7. Matatandaang nang bumalik sa pag-arte si Sheryl pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa U.S. kasama ng kanyang pamilya, gumawa siya ng sunud-sunod na proyekto sa GMA-7, simula sa Mulawin. Pero pagkalipas ng ilang proyekto ay nagdesisyon naman siyang gumawa sa ABS-CBN.
Ngayon ay balik-GMA-7 na naman si Sheryl. Kasama siya sa ipinalalabas na ngayong SRO Cinemaserye Presents "Ganti."
"It's a very, very competitive industry, especially now," simula niya. "Sinu-sino na lang ba ang nagbibigay ng trabaho sa industry natin? So, instead na magkaroon tayo ng mga [network] war, di ba, mas gusto ko yung nagkakatulungan tayo, wala nang labels, di ba?
"Basta yung akin lang, kung sino man yung nakatulong sa 'yo, I think it's just right na you give respect and you do your part. Pero kung wala ka naman talagang kumpromiso na kailangan mong pangalagaan o exclusivity na pinirmahan, then it's still my choice where I want to work and where work is being offered. Kasi nowadays, I cannot be choosy in the sense na kailangang mag-inarte pa ako.
"Kapag meron namang ino-offer na matinong trabaho and it is a regular pay, at maganda yung role, it's decent enough, why not?" mahabang paliwanag niya.
SWITCHING CHANNELS. Kaya naman kahit nasa GMA-7 siya ngayon, willing pa rin si Sheryl na muling magtrabaho sa ABS-CBN.
"It depends," sabi niya. "Per show naman talaga ako. Pero ako naman, kilala n'yo naman siguro ako, my loyalty is where I am working. At saka kahit papano naman, hindi naman ako nagsasalita ng whatever regarding kung sino ang pinagtatrabahuhan ko.
"Of course, in this world, you cannot have everything you want, di ba? There are still mga things na cannot be given to you and I have to be contented with that in the sense na kung sino ang mas nag-aalaga nang mas better or whatever, ganyan.
"I cannot say this is better than that. Basta yung akin lang, I've always been happy here [GMA-7], yes, I'm happy. I worked for ABS for sometime, nakita ko yung mga taong na-miss ko. But then, it cannot last forever also kasi marami din namang mga artista ang nagtatrabaho doon, binibigyan din naman nila ng iba't ibang projects.
"Yung akin, kung wala naman talagang project na maganda na magagawa ko, why should I worry about it? Anyway, I'm a freelancer, kapag merong bagong offer na maganda, na sparks my interest, why not, di ba?"
Maganda naman ang relasyon ni Sheryl sa ABS-CBN, kahit nasa GMA-7 siya ngayon.
"I didn't burn my bridges with anybody. No bad blood between me and ABS. Humingi talaga ako ng permiso because I said I would be coming back," sabi niya.
Kaya naman masaya si Sheryl sa takbo ng kanyang career.
"Well, I'm very happy career-wise, wala akong reklamo. Kaya nga I thank the Lord for all the projects and thank you rin sa GMA for entrusting me this new and challenging project, na SRO Cinemaserye Presents Ganti."
Nagpapasalamat din siya na hindi siya kinakalimutan ng GMA-7 kapag may magandang dramatic projects.






basta nakakasawa pag ganun, getz nyo na yun
na notice mo ba na bumabango ulit name ni Angel Locsin? This girl has something na hindi pede ignore..Hindi lang sa tv pati sa movies..May gagawin siyang movie with Aga A. Mark my word, babalik si Angel sa dati niyang puesto na sikat na sikat ulit... Hindi lang siya pang SOP like the others Hindi siya ningas kugon..Its true medyo lumamlam career niya because of the so called demolition job by you know who..pero as ive said again and again, you cant put a good woman down..and its true, pumapaimbulog na naman siya.... Endorsements, tv shows, movies..Yipeeeeeee...she is not just a pretty face..hindi siya nakakasawa..she has breeding..look at her father and how he talks.... hindi nga lang nakatapos si angel ng highschool because of being a star pero sa pananalita na lang niya hindi siya palengkera... thats why mga naging ex niya eh galing din sa buena pamilya..You know your worth as a woman sa mga lalakeng nagkakagusto sa iyo. teka, si sheryl ang nasa article eh..nyahahaha
i can see that makitid ang utak mo and you dont see the truth..Laos ba si Angel? nyahahahaha for your info super smart siya dahil she preferred to have a little time for herself and family kaysa naman kandahirap siya sa pagtra trabaho para lang kumita...She knows her priorities and you cant call her ingrata for that..She made lots of money for GMA too..It was a reciprocal business between her and GMA. Hindi siya pede itali because she has or had prerogatives too.. tama ba inglis ko? pero im sure maintindihan mo. Sikat pa rin si Angel and did you see her billboard? the one which gave her the stylebible .....i forgot? Wow, graveeeee ganda niya.. Kaya pala ganyan name mo...hehehheeh peace
linda alukin was a starlet laosian who aired in startalk last january 31 2009... obviuosly she was angel locsin.. she doesnt have reciprocity and an ingrate showbiz personality.