Deretsahang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa launch niya bilang latest female endorser ng Calayan Surgicenter kung ano ang reaksyon niya nang masangkot ang pangalan niya sa Hayden Kho video scandal.
"That's so not true, oh my God! Unang-una hindi ko masyadong kakilala si Hayden. Nakikita ko lang siya kapag may mga events and all but I don't really know him," bungad ni Pops sa PEP.
Ang una niyang reaksyon nang makarating sa kanya ang intriga, "Natawa ako! Nasa States ako, nanonood ako ng movie, may nag-text sa akin. Sabi ko paanong nangyari yun, ano yun, magic? Hindi totoo yun."
Hindi naman raw inisip ni Pops na magdemanda. "Siyempre kung na-affect ako and na-affect siguro yung work ko. Right now alam ko namang hindi totoo, unless someone claims or whatever. It's sobrang not true."
In a way ba, flattering ba sa kanya na maraming nagkaroon ng interes na mapanood ang video nang pumutok ang balita?
"No, it's not. When I first heard about the issue naawa ako dun sa mga kababaihan, kasi what they do in their own time is really none of our business. It's something that I think is very private and I think very personal.
"Let's face it, when it comes to women it's really double standard sa Pilipinas so parating kawawa yung mga babae. As a woman, naawa siyempre ako."
FROM BELO TO CALAYAN. Bakit siya umalis sa Belo Medical Group?
"Wala lang, we felt na it was time to move on. Maganda naman ang paghihiwalay namin, until now we're still friends. Matagal na actually kami nag-pirmahan ni Dr. Calayan but because madami din siyang artists na ni-launch siguro, na meron silang plano, so inuna niya muna yung pag-launch ng iba niyang artists."
May sexy pictorial ba si Pops sa Calayan endorsement niya?
"Actually hindi ko pa alam, pero alam mo, a sexy pose or a sexy shot really depends on the way it's taken. Sa pag-e-emote, siyempre sa projection, I believe that lalo kami, sa skin naman kami. I don't mind the sexy billboards if it's done in a very classy way."
Sky-high daw ang talent fee niya with Calayan. "Hindi naman. Tama lang."
Hindi nagkaroon ng conflict ang Calayan endorsement ni Pops sa Mikaela? "With Calayan, sa skin ako, kami ni Jay-R. Sa Mikaela is slimming."
May ii-slim pa ba si Pops? "Actually nagkalaman na nga ako, e. There was a time siguro sa sobrang work, tapos stress, personal life stress. Ako rin, nung napanood ko yung sarili ko sa isang interview, sabi ko, 'Shucks parang ang liit-liit na ng face ko!'
"Hindi din ako nagandahan, so tamang-tama nag-tour kami sa States, kumain ako nang kumain para magkalaman yung face ko."






unlike others n mahilig kumain ng ampalaya at walang salapi!
e ang seksi seksi na nya!
It seems like every beautiful actress in Philippine showbiz gets to have her named dragged into the Hayden Kho sex video controversy, at least once. When Pops Fernandez first heard she had been linked to it, quot;Natawa ako! Paanong nangyari yun, magic? Hindi totoo yun.quot;
ang sabe beautiful..
di ba kayo nagtataka? sa age na yan ni pops sinasama pa nila sa issue. hindi naman niya kabatch sina anne curtis at bea alonzo para masali pa sa ganyan. kaya magsitigil na kayong mga inggitera jan..sobrang insecure niyo kay pops lagi kayong nakabuntot sa mga articles niya dito sa PEP
Wii - in fairness, matanda lang si pops sa age. pero itabi mo siya sa mga batang artista jan, baka magmuka pa siyang bata sa kanila LOL
tantanan niyo na si pops. kasi kahit ano pang sabihin niyo maganda siya kayo hindi LOLssss..paulit ulit lang naman kayo parang mga sirang plaka. mga insecure to the max