Nasa London ngayon si Sen. Jinggoy Estrada as head ng Philippine delegation na naimbitahan ng British Parliament. Pero bago siya umalis, nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press sa presscon ng Bente last Sunday, July 5, sa Oceana restaurant sa Mall of Asia.
Ang Bente ang huling pelikula sa serye ng Sine Direk na proyekto ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) at ni Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment.
Kung paalis si Jinggoy ng gabing 'yon, dumating naman ang co-star niyang si Richard Gomez from Ormoc City. Lumabas pa ng venue si Jinggoy nang makita niyang dumating na si Richard at nagkamayan sila.
Kapansin-pansin ang magandang pagsasamahan ngayon nina Jinggoy at Richard kahit nagkaroon sila ng matinding away noong panahon ng Star Olympics ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino (KAPP).
"Nakalimutan na namin 'yon. Sabihin na lang nating medyo bata pa kami noon at pare-pareho pang madaling mag-init ng ulo!" natatawang wika ni Jinggoy.
Dagdag niya, "Pero ngayon, matalik na kaming magkaibigan. In fact, magkumpare pa kami dahil inaanak niya sa binyag ang bunso namin ni Precy [Jinggoy's wife], si Jill."
Balitang kaya umuuwi lagi sa Ormoc City si Goma every weekend with wife Lucy Torres ay naghahanda na ito para sa 2010 elections. Tatakbo raw itong congressman sa 4th district ng Leyte. As a friend, susuportahan ba niya si Richard?
"Congressman na nga ang tawag ko sa kanya!" biro ni Jinggoy. "Sana nga kung tutuloy siya, sumama na siya sa oposisyon. Kapag sa administrasyon siya sumama, kiss of death 'yon. Pero sa palagay ko, he'll be wise enough to join the opposition. From the very start naman, he has been a member of the opposition.
"Ako naman, bilang isang kasamahan sa industriya, at naniniwala ako na tapat siyang maninilbihan sa bayan, susuportahan ko talaga siya. At sana suportahan din siya ng mga kasama niya sa 4th district ng Leyte."
GMA'S SONA. Tinanong ng PEP si Jinggoy kung makakabalik ba siya sa bansa bago ang State of the Nation Address (SONA) ni President Gloria Macapagal Arroyo para dumalo.
"Ten days lang naman akong mawawala. Narito na ako sa SONA, pero hindi ko alam kung a-attend ako. Ever since naman, hindi ako um-attend ng SONA ni Mrs. Arroyo," sagot ng actor-politician.
Bakit hindi siya dumadalo sa SONA?
"Puro fairy tales kasi!" at napahalakhak pa siya.
ERAP FOR PRESIDENT? Sigurado nang tatakbo muli si Jinggoy na senador sa 2010 elections. Ang ama niya na si former president Joseph Estrada, tuloy ba ang pagkandidato nitong presidente sa 2010?
"Time and again, kapag tinatanong siya, ang laging sagot niya, kapag hindi talaga nagkasundo ang oposisyon kung sino ang ikakandidato nilang presidente, baka mapilitan siyang tumakbo. But we hope na bago dumating 'yon, may mapili na ang oposisyon na kandidato nila," ani Jinggoy.






Ang taong may puso para makatulong dapat noon pa kumikilos kahit sa maliit na paraan, walang senseridad ang pinagsasabi ni Goma.
mas matalino kaya kayo kay goma?
testing lang
KAINIS!!!
specifically
1. jinggoy estrada
2. bong revilla
richard gomez pls lang di ka pa ba natuto? di ka na nanalo last election, people are getting wiser now, di na paloloko ang tao na iboto ang isang artista just because palaos na siya. mag baranggay ka na lang o councilor
sumubok na kayo ng isang ekonomista pero lalo tayong ginago.
kung magpapatuloy tayo ng paninira sa mga taong gustong tumulong sa ating bansa eh di umalis na lang kayo sa pilipinas.
sana may law nyan... kasi lately, pati ang senate hearing nagiging madrama dahil sa kadraman nh mga politiko slash artista... at yung ibang pure pulitiko, gusto na rin atang mag artista....
hay naku... grabe ang hatak ng showbiz sito sa Pilipinas.. sana wag nalng mkialam ang mga personalidad sa showbiz in terms sa POLITICS...