Kahapon, lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ginawang pagtulong ng mga artista mismo sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy.
At hindi lang mga karaniwang tao ang naperhuwisyo ng bagyong nanalanta sa halos buong Luzon, kundi pati na rin mga showbiz celebrities.
Iniulat nga kahapon na maging ang mga artistang sina Cristine Reyes, ang couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at mga anak nila, ang pamilya nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, at mag-inang Jean at Jennica Garcia ay nakatikim din ng hagupit ng bagyong Ondoy.
Pawang nakaligtas na ang mga ito, at laking pasasalamat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) blogger na si Giselle Sanchez dahil kabilang na rito ang kanyang pamilya, na ayon sa text message niya kaninang alas dose lang ng tanghali, her "family—25pax, 3 days stranded w.o.[without] food and water in 20 road 1 riverside village ortigas ave. ext."
Worried na worried kanina ang host-comedienne dahil ayon pa rin sa kanya: "I'm exhausting ol [all] my connections, no avail pa rin."
Bandang alas sais y medya ng gabi nang ma-rescue ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa susunod na blog entry siya magkukuwento ng kanilang "madamdaming reunion."
Nakarating din sa PEP, sa pamamagitan ng associate editor ng YES! magazine na si Anna Pingol, na nakaligtas na kagabi ang six-month pregnant na si Sylvia Sanchez at mga anak nito, na malapit din sa Marikina river ang village na tinitirhan.
Tanging siya at ang anak niyang bunso na si Gela ang naisakay sa speed boat patungo sa kaligtasan, habang ang mga anak naman daw nito ay nilangoy na lang ang rumaragasang tubig na nakapaligid sa bahay nila para lang makarating sa mga rescuers.
Kasalukuyang nasa pangangalaga na sina Sylvia at mga anak nito sa bahay ng mga biyenan niya (the Ataydes) sa Corinthian Gardens pero kinakailangan pa rin daw dalhin sa ospital ang mga anak ni Sylvia na lumangoy upang masiguradong hindi nakainom ang mga ito ng grasa mula sa tubig baha. Si Sylvia ay nagpa-check up din, at nabigyan ng clean bill of health.






yukor131
September 29, 2009
10:30 AM
Noong pilit iniinterview ng repoter si GMA ng kasagsagan ng problema imbes na magbigay sya ng konting pahayag pilt nyang sinasabi na si Gibo na lang ang interviewhin kse alam nila na pagkakataon na ito ni Gibo na makilala dahil nga sya ang Sec. of Natl. Defense at chairman ng NDCC. Ang tanong naging efficient ba sila??? Sila mismo hindi prepared! San ang pondo na dapat para sa mga ganitong sitwasyon??? Ginamit na nila sa paglakwatsa at pagkain sa mamahaling restaurant kaya kabagal nilang nakatulong!
Hindi naman sobrang perpektong mga lider ang kailangan natin pero yun lang totoong marunong mag-prioritize ng budget at di makasarili. May kasalanan din ang bawat isa sa atin pero dapat sila umamin din no! Palibhasa mas inuuna nila ang pamumulitika. Tsk tsk tsk . . .
chardine88
September 29, 2009
01:30 AM
SO TRUE!!!
Wag din ninyo iboto yung mga pulitiko na imbes tumulong sa MMDA maglinis ng mga creek sa balwarte nila at kumimbinsi sa mga illegal settlers na wag dun manirahan dahil delikado para sa lahat at sagabal sila sa daanan ng tubig ay lalo pa nilang kinakanlong at pinapadami mga illegal settlers dahil para dumami ang boboto sa kanila sabay kontra sa mga programa ng MMDA dahil kesyo pinapaalis ang mga botante nila. Tsk tsk tsk . . .
Tayo din ang may hawak ng mga solusyon sa problemang ito no.
Naubos na siguro nila pondo na pambili sana ng emergency helicopters, boats , etc. sa milyong halagang advertisements nila kaya kabagal nilang nakasagip ng mga tao.
======
hindi nga?.,magkapatid b c korina at giselle?????