Naghalong celebrities mula sa pulitika at showbiz ang mga bisita ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. sa selebrasyon ng kanyang 43rd birthday na ginanap noong September 25 sa Whitespace, Pasong Tamo Extension, Makati City.
Kumpleto siyempre ang buong pamilya ni Bong. Nagkaroon din ng special number ang kanyang pamilya sa pangunguna ng maybahay niyang si Lani Mercado at ang mga anak nilang sina Bryan, Jolo, Inah, Laudette, Gianna, at Ram. Kasali rin sa production number ng pamilya Revilla ang anak ni Bong sa ibang babae na si Luigi at ang apo na si Gab.
BONG'S GRANDSON & OTHER SON. Sa kalagitnaan ng selebrasyon ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bong kung paano nila nahiram ang apo na si Gab sa lola nito na si Rosanna Roces?
"Through Grace [Adriano, ina ni Gab]. Si Grace ang kinausap namin," sagot ng actor-politician.
Nagkaayos na ba sila ni Osang?
"Hindi pa," matipid na sagot niya.
Artistahin din ang dating ng anak ni Bong na si Luigi. Kaya marami ang nagulat nang sumayaw ito kasama ang mga anak ng senador kay Lani.
"Debut pa lang ni Inah lumalabas na siya kasama ng pamilya ko. Nandun din siya sa tuwing birthday ko, pero hindi n'yo lang napapansin," banggit niya.
Papayagan ba niyang mag-artista si Luigi?
"Puwede, puwede, di ba? Kaya lang, ipapaalam muna natin sa nanay niya," ngiti niya.
POLITICAL PLANS. Sa birthday party rin ni Bong, kinumpirma niya ang pagsubok muli ni Lani na pasukin ang pulitika. Matatandaang tumakbo noong 2001 bilang mayor ng Bacoor, Cavite, pero natalo siya. Next year ay tatakbo naman siyang congresswoman sa Bacoor, Cavite.
"Ang [birthday] wish ko sana manalo si Lani. Tatakbo rin ako for another term as senator next year, pero more on Lani ako na manalo. All-out ang support ko kay Lani, kasi nakikita ko na gusto niya talagang mag-serve sa tao. Gusto niyang makatulong sa mga kababayan natin. Mataray siya, pero alam ko ang puso ni Lani. Mabait 'yan. Saludo ang pamilya ko sa kanya," sabi ni Bong tungkol sa kanyang asawa.
Hindi ba siya nag-aalala na mabawasan ang oras na ibinibigay ni Lani sa kanya at mga anak nila?
"Hindi naman, kasi malalaki na ang mga anak namin. E, pag wala siya, ako na ang bahala sa mga anak namin. Aba, teka, baligtad na!" natatawang sabi ni Bong.
"Pero nag-e-enjoy naman ako kapag kasama ko ang mga bata," pahabol niya.





VOTE: Sen. Revilla
Hmmmp! Nakakainis ung ibang nagcocomment dito grabe nman silang masasakit magsalita! Dpat magpasalamat na lng kyo dhil ang dami nyang natutulungan ng mga kababayan natin at nakita nyo nman wala kyong narinig o napanood na my kinasangkutan syang gulo dito sa bansa natin!
Nakita ko c IDOL nung linggo habang nsa byahe ako nagbibigay sya ng tulong sa mga bayan ng laguna! Ang galing tlga ng IDOL ko mabuti pa sya hangang ngyon nagbibigay prin sya ng tulong sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong ondoy! Wala kng katulad ikaw ang pag asa ng ating bayan,,, Mabuhay ka IDOL!
Mas ok nga nsa mga revilla ang pangangalaga sa anak ni jolo kc don tlgang mapapalaki nila ng maayos ang bata at matuturuan ng tamang disiplina ndi kgya pag na kay osang bka matuto ung bata ng kung ano ano! Kay luigi nman infairness wala kong ma SAY sa knya gwapo rin katulad ng ama nyang si Sen. Revilla!!!
Hindi mo kami pinabayaan,,, nandyan ka lgi sa lhat ng problema nmin. kaya sna nman ung iba tumigil na sa mga maling sinasabi kc ndi maganda dhil kmi talagang natulungan ni idol agad syang nandyan pra mabigyan kmi ng makakain! kya sobrang laking pasasalamat nmin syo ng mga tagafloodway!!! mabuhay ka IDOL
kamaganak mo ba si Hayden Kho? kasi ang tagal na ng issue na yun pero fresh na fresh pa rin sayo, tama lang nangyari kay Hayden yun actually kulang pa nga dahil walang kapatawaran ang ginawa nya sa mga nakunan nya na videos.
talaga lang hah..nagbabayad ka ng tax!! ows!!hahahahaha...
Basta ako ndi magbabago ang pagtingin ko kay Sen. Bong Revilla dhil sya tlga ang tutulong syo sa kahirapan at lagi mong maaasahan sa lhat ng bagay!
Cguro nman marunong kng magsearch sa google,, type mo don SEN. REVILLA tpos click mo o mas maganda punta ka sa site ng SENATE don paniguradong marami kng mkikita ng mga nagawa nya sa bansa natin! Ang hirap kc syo puro klang daldal khit ndi mo alam ang mga pinagsasabi mo sa tao bsta my masabi ka lng! Kya payo ko syo don ka lng sa katotohanan at ndi sa kasinungalingan!
Nsa batas ba ang bawal magcelebrate ng bday!!! Masyadong big deal nman sa inyo ung bday ni bong! Liliwanagin ko lng ah.... Ang bday ni bong SEPT.25 ok! Dumating ung bagyong si ONDOY SEPT.26 ngyon sbhin nyo skin anong kinalaman ng bday ni bong sa bagyo!
for your information SEPT.25 BDAY NI BONG. SEPT.26 nung lumakas ang ulan at bumaha.. anong deperensya kung nagpunta si PRES. GLORIA??eh hindi pa naman nangyayari yung baha nun!! hay naku!! ang STU--D!!
for your information SEPT.25 ang bday ni bong sept.26 nung bumagyo!!anong deperensya kung nagpunta si pres.gloria??eh hindi pa naman nangyayari yung baha!! stud!!
yan naman ang hirap sayo!dakdak ka ng dakdak!comment ka ng comment wala ka naman palang alam sa BATAS na naipasa na ni bong.ALAMIN mo muna!! search mo sa website ng senado!!hindi naman tama manira ka ng isang tao o manghusga ng wala ka naman palang alam!! kung manghuhusga ka ng isang tao dapat kaya mong patunayan!!