Isang simpleng selebrasyon lang ang idinaos ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos para sa kanyang 56th birthday kahapon, November 3.
Isang misa ang inihandog ni Fr. Fred Madangbayan sa auditorium sa Batangas Governor's Office. Pagkatapos ay isang munting salu-salo ang inihanda ni Vilma para sa kanyang staff and employees sa Kapitolyo.
Ibang-iba ito sa mga nagdaang birthday celebration ni Ate Vi, na dati'y star-studded at magarbo. Balak ng kanyang staff na ipagpatuloy ang tradisyonal program tuwing birthday niya pero hindi natuloy.
"Last Monday [Nov. 2], nalaman ko na they [staff] were preparing something for my birthday. Pero nung flag ceremony nung nakaraang Monday, nakiusap ako sa kanila na, 'Huwag na, we'll make it simple... Wala na tayong party-party. It's a working day. 'Wag na nating ipabongga.' I don't think this is the time for that," sabi ni Vilma sa panayam sa kanya ng SNN ng ABS-CBN.
Espesyal pa rin ang kanyang kaarawan dahil may inihandang family dinner sa kanilang bahay, gawa naman ng asawang si dating Senator Ralph Recto.
"Mamaya pag-uwi ko, yun naman ang oras ko para sa pamilya ko. I think si Ralph prepared something for me... My children [Luis Manzano and Ryan Christian Recto] will be there for me. Itinaon niyang birthday ko talaga. So, mamaya, pamilya naman ako," sabi ni Ate Vi.
Ano ang kanyang birthday wish?
"It's always prayers and guidance for my family. To keep it intact because they are my inspiration. And another siguro is guidance and prayers for my administration, because my job is... hindi madali.
"With the blessings na tinatanggap ko with my family, being a public servant, being in the movie industry, it's more on 'thank you,'" saad niya.
Thankful din si Gov. Vilma sa mga taong tumangkilik ng kanyang comeback movie In My Life, kung saan kasama niya sina John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Isa itong certified super blockbuster na tumagal sa mga sinehan ng halos dalawang buwan.
"Nagpapasalamat po ako na tinangkilik ninyo ang magandang pelikula na ibinigay po namin sa inyo. Yung mga hindi pa po nakakapanood diyan, meron na tayong DVD and VCD ng In My Life, at ang maganda nito, yun 'yong director's cut. So, there are some scenes na hindi po nakasama sa big screen, makikita niyo po diyan... I am sure, 'andiyan pa rin po ang magic ng pelikula," pag-iimbita pa niya.
Nagkaroon din ng report kagabi ang 24 Oras ng GMA 7 tungkol sa birthday ng Star for All Seasons. Ini-report dito na sinadya ngang wala nang magarbong selebrasyon bilang pakikiisa ni Gov.Vi sa nangyaring typhoon calamity sa ating bansa. Sa halip ay pinailaw na ang giant Christmas tree sa Batangas Kapitolyo.
"It's a working day. I want my birthday to be simple this time... Hindi naman sa hindi magsasaya, pero parang tama na muna ito. Marami naman ang bumabati, at kung sino lang ang nakakaalala. Hindi na rin ako nagpagawa ng programa. Basta kung sino na lang ang makaalala, welcome," masayang pahayag ni Vilma.
NOT RUNNING FOR VP. Muling itinanggi ni Vilma na tatakbo siya bilang vice-presidential candidate sa 2010 eleksiyon dahil nais niyang ipagpatuloy ang kanyang mga plano para sa Batangas. Ito'y sa kabila ng maugong ang balitang may mga imbitasyon sa kanya ang iba't ibang kandidato, tulad nina Senator Manny Villar at Secretary Gilbert Teodoro.
"Nagpapasalamat ako... pero sa ngayon po, ang alam kong gusto kong gawin ay tapusin muna ang mga unfinished business here in Batangas. Yung focus ko is on Batangas and ayokong madiskaril doon, so... Salamat, pero my focus is Batangas.






Happy Birthday and we wish you good health and more blessings in life!
My Best Actress for All Seasons and Reasons!
Galit si Alfie sa hindi nya napeperahan. Ha ha ha. Kagaya ni Piolo. Si Juday pinagtangkahan ni Lola Alfie na ibubunyag ang baho ni Juday pag c Juday ay kakalas sa kanya.
Kawawa naman c Juday at Ryan at halos konti na lang ang kinikita dahil gusto pang partehan ni Lola ALFIE
pag nakikita kita naalala ko mom ko..kamukha nyo po kasi sya..kaya lang shes much older than you..she is a big fan of you..kaya po ibabati ko nalang po mom ko ng HAPPY BDAY! and GOD BLESS!
Sanay na c Ms. Vilma jan kay tandang alfie,dati pa binibira ni tandang alfie yan c Ms. Vilma pero dedma lng nman c gov.Bkit mu nman kse papatulan ang isang matandang wla nman pinagka-tandaan.
Oi tandang alfie,mgbago ka nga ng ugali mu,matanda ka na noh,matanda ka pa kay Douglas Quijano di ba,matakot ka nga,di mu alam ang buhay kaya magbago ka na,para sa kaluluwa mu din yan.
Keep it up!!!
Thanks,
Cecille Crisostomo from Riyadh, K.S.A
konti na lang senior citizen ka na ate vi???
ang ganda mong senior!!!!
sana ganyan ako pagtanda ko, hehehe!
happy birthday!
lolo alfie, behlat...hahaha!
Happy birthday again.
good health and more blessings especially awards next year.
I love you. We love you!!