Angelu de Leon describes lovelife as "minsan masaya, minsan hindi"

Rose Garcia
Friday, November 20, 2009 @ 02:33PM  |  1999 views


In the '90s, Angelu de Leon's tandem with Bobby Andrews was phenomenal. And whenever she looks at the current hot love teams today, Angelu can't help but quip, "Ganyan ba kami noon?"

Photo By: Noel Orsal













Dumating si Angelu de Leon kagabi sa Robinsons Galleria para sa  premiere night ng kanyang bagong pelikula, Hellphone, na ipalalabas na sa mga sinehan bukas, November 11. Ayon kay Angelu, nag-enjoy naman siyang gawin ang movie lalo pa't second time na niyang makatrabaho ang director nitong si Joven Tan, na siya ring gumawa ng Paupahan, na umani ng maraming award.

 

"Ako, I'm hoping and praying for the movie, whole cast and kay Direk na tanggapin din siya katulad ng Paupahan. Kasi, lahat naman ng pelikula, pinaghihirapan. Lahat naman ibinibigay ang best and parang, siyempre, lahat kami, gusto naming makita ng tao na pinaghirapan namin at hindi lang siya basta-bastang pelikula," bungad ni Angelu.

 

Ano naman ang pagkakaiba ng dalawang movie na parehong nakakatakot ang tema?

 

"I guess, siguro mas gusto namin ang effect nito. Mas gusto namin ang kilabutan kayo kesa sa gulatin lang kayo. Kasi, lahat naman ng movies, ganun, nanggugulat lang. We want this na parang more on manindig ang balahibo n'yo at kahit paano, matakot naman kayong sagutin ang mga cellphone n'yo. Yun ang gusto naming effect," sabi niya.

 

Kasama ni Angelu na nanood ang panganay niyang anak na si Nicole, na ayon sa kanya'y mahilig daw sa mga horror films.

 

"Favorite niya ang horror film, except my second, kaya wala siya rito ngayon," sabay bilin na hindi nga lang daw puwedeng kuhanan ng TV camera ang anak or else, baka mapagalitan siya ng eskuwelahan nito.

 

Given the chance, payag ba siyang mag-artista ang anak nila ni Joko Diaz?

 

"Alam n'yo, wala akong ipinagbabawal sa kanila. Pero gusto ko lang sana, maging normal yung lifestyle nila, yung group of friends nila, at siyempre, yung matutukan nila most importantly yung pag-aaral."

 

Charge it to experience na rin daw kasi. Ang paliwanag ng aktres, "I started young in showbiz, so, I started na hindi na ako halos nakatuntong ng college. Na-sacrifice ko pa yung high school life ko. After kong mag-graduate ng grade school, nag-work na ako ng full-time. Pero, iba pa rin, e. Iba pa rin ang makagawa ka ng bond with your schoolmates. Kaya ako, hangga't maaari, gusto ko lang na normal ang buhay nila."

 

Nagpakita na ba sila ng interes sa showbiz?

 

"A, hindi, gusto lang niya pinapanood. Nagkakaroon lang sila ng interes pero, alam naman nila where I stand. Pero, like kung vacation at may fashion show, sige, yung ganoon. Meron silang interes but I just have to balance it for the sake of, you know, everyone's life," sagot ni Angelu.

 

Hindi naman siya natatakot if ever dumating ang time na magsabi ang mga ito na gusto na ring pasukin ang showbiz?

 

 "Hindi, kasi we really talk to each other like, nakikipag-compromise lang kami. Siyempre, poprotektahan mo rin sila dahil yung mga tanong ninyo minsan, baka biglang, 'Nasaan ang tatay n'yo?'" natatawang sabi niya.  "E, baka yung mga anak ko, biglang...Ayoko naman," natatawa pa rin siya.

 

Samantala, kumusta na nga ba ang relasyon ng mga anak niya sa respective fathers ng mga ito?

 

"With Joko, they are very okay. Lahat naman kami we're all civil. Nagkakausap na sila. May sarili na silang communication. Minsan nagkikita sila, kapag may panahon. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko naman puwedeng ipilit ang mga pagkakataon.

 

1  2  3  Next »

Related Articles

20 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name