Jennica Garcia clueless about rumors linking her to Rayver Cruz

Mell Navarro
Wednesday, December 16, 2009 @ 06:03PM  |  31 views


Jennica Garcia reunites with Mart Escudero in Shake Rattle & Roll XI, but she points out that their relationship status is just like their reel roles: Magkabarkada.   Also part of the cast of "Lamang Lupa" episode—Rayver Cruz, Iya Villania, Bangs Garcia, plus, twin brothers Dominic Roco and Felix Roco.

Photo By: Noel Orsal













Muling magsasama ang dating magkasintahang sina Jennica Garcia at Mart Escudero sa "Lamang Lupa," isang episode sa Shake Rattle and Roll XI, na entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.

 

Pero magkabarkada na lang sila rito. Pebrero noong naghiwalay ang dalawa, pero kung tatanungin mo ang panganay ni Jean Garcia kung kailan, ang sagot nito: "Ang tagal na, e, hindi ko na alam."

 

Sa tono ng kanyang pananalita, tila malabo nang magkabalikan sila ng StarStruck graduate. Ano bang nangyari?

 

"Actually, we both tried naman [to work things out]. Kaya lang, it so happened na pareho naming napapansin na  mas okay talaga kaming dalawa bilang magkaibigan. 

 

"Walang halong plastic 'yan. Kasi, kung kaya pa naman, wala rin namang dahilan para hindi namin itago, kasi, ever since naman na naging kami, inamin namin.

 

"Yung breakup, hindi ko na nga lang maalala kung kelan. It's been a long time already!" ang mahabang bungad ni Jennica.

 

NO SECOND CHANCE FOR MART? Ayon kay Mart, hindi raw ito nagtagumpay bagama't mahal pa niya ang young actress. Hindi nga ba binigyan ni Jennica ang ex-boyfriend ng another chance?

 

"Wala, e...Siguro kasi, pareho naming na-outgrow ang isa't isa, na in a span of time na wala kami no'n...'Tapos, all of a sudden, parang gusto naming, 'Baka puwede pa, baka kaya pa...'

 

"It's been so long already, e.  Parang kaya niyang mag-isa, kaya kong mag-isa. We both enjoy life, like being single, so, ituloy na lang, kasi, we're both young. Ako, magtu-twenty pa lang. Alam ko rin ang feeling ng magkaroon ng boyfriend.  Okay na ako doon,"  lahad ni Jennica.

 

Hindi naman itinatanggi ng dalaga na masaya sila ni Mart noong nagkasama sila sa shooting ng SRR XI, at mga promo activities nila sa pelikula. Pero wala na bang pag-ibig?

 

Tumawa muna ito bago sabihing, "Kumbaga, 'pag nakikita ko siya, 'Uy, pare', 'yan na nga 'yan, ha!' Parang yung gano'n na lang...Hindi na romantic in a way siguro."

 

Wala na bang puwang ang binata sa puso niya?

 

 "Bilang kaibigan, siyempre, meron. Pero yung mabalik sa dati, e, binigyan ko siya ng chance...Pero wala, e," ang makahulugang pahayag ng alaga ni Manny Valera.

 

Sabi ni Mart, hinahanap-hanap niya ang pagiging malambing at mabait ng dating kasintahan.  Ano naman ang nami-miss niya kay Mart?

 

"Ako kasi, di ba, unang boyfriend ko ito, e, so sa kanya unang nalaman na, 'O, kapag girlfriend, ganito, kailangan, sasabihin mo sa akin kung ano ang mga lakad mo.'

 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name