Sasalubungin ni Joross Gamboa ang taong 2010 ng maraming bago sa buhay niya. Bukod sa pagkakaroon ng bagong manager sa katauhan ni Noel Ferrer, may bagong "tahanan" din ang young actor dahil sa bago niyang show, ang First Luv ng GMA-7.
Isa nang Kapuso ang dating questor ng Star Circle Quest ng ABS-CBN simula sa 2010.
NEW MANAGER. Bago magtapos ang 2009 ay nakapagdesisyon si Joross na hindi na mag-renew ng panibagong kontrata sa kanyang manager na si Becky Aguila. Pero ayon sa young actor, naging maganda naman ang pag-uusap nila ng dating manager.
"Tapos na yung contract ko with Tita Becky," sabi ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Maayos naman yung naging pag-uusap namin. Kumbaga, on my part, gusto ko naman siguro na mag-try ng bagong management. New year, parang sige, bago naman lahat.
"Maganda naman ang paghihiwalay namin ni Tita Becky. Nagpapasalamat din ako sa kanya kasi sa time na under ako ng management niya, at nagpapasalamat din ako na maayos kaming naghiwalay. Ako na rin yung nagsabi na after naming mag-usap, kakausapin ko rin si Kuya Noel Ferrer. Bale si Kuya Noel yung bago kong manager ngayon."
Magiging "kapatid" niya sa kanyang bagong manager sina Ryan Agoncillo, Paolo Bediones, at Bayani Agbayani. Gaya ni Joross ay isa na ring Kapuso si Bayani.
"Si Kuya Noel kasi, kahit saang station, puwede naman siya. Mabait na tao at malaking bagay sa akin na may tiwala naman siya sa kakayahan ko," sabi ni Joross tungkol sa kanyang bagong manager.
FIRST SHOW ON GMA-7. Nag-attend na si Joross ng story conference ng First Luv sa GMA Network Center. Aminado ang dating Kapamilya star na naninibago pa siya sa bagong tahanan.
"Okey naman kasi very warm naman lahat ng taga-GMA-7 sa amin ni Bayani. Although, nakakapanibago lang dahil noong nagpunta kami [ni Bayani], magkasabay kami. Hindi pa namin alam ang pasikot-sikot sa mga office, medyo nawala rin kami sa parking!" natatawang kuwento niya.
Nagpaalam ba siya sa ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA-7?
"Hindi na ako nagpaalam," sagot ni Joross. "Bale kasi matagal na rin akong wala sa Star Magic. Ang sa akin naman, hindi naman ako umalis. Nagkataon na yung trabaho ngayon, nasa GMA-7, sa GMA ako may gagawin. Siguro habang may show sa GMA, respeto na rin na sa GMA ako mapapanood. Ganun naman talaga.
"Happy lang ako na bagong taon, bagong show, bagong mga makakasama. At nagpapasalamat nga ako sa GMA dahil kahit bago lang akong lipat, very warm naman silang lahat."
Dagdag niya, "Sa show pa na gagawin ko, may mga kakilala na rin ako like si Bayani at si Michelle Madrigal na makaka-partner ko pa. Parang triangle kami rito nina Roxanne Barcelo."
Magka-batch sina Joross at Michelle sa unang Star Circle Quest, kung saan nakasama rin nila sina Hero Angeles, Sandara Park, Roxanne Guinoo, at Joseph Bitangcol. Gaya nina Joross at Michelle, nasa GMA-7 na rin si Hero samantalang nakalabas na rin sa ilang programa ng Kapuso network si Joseph.
Ang First Luv ay pagbibidahan ng young love team nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza, na gumanap bilang mga batang Cholo at Jodi sa Stairway To Heaven.






anu daw puro tambling?
eh yung station ninyo 1990s pa lang iyakan at pagkaka-palit ng mga baby na.
2010 na iyakan at pagkaka-palit palit ng mga baby pa din hahaha...
pati nga TFC-TAIWAN malakas na rin...and dami na ring subscribers....
kung walang work ang ibang artista natural na maghahanap sila.....
di naman sila pwede sa opisina at ayaw ding pumasok bilang janitor so go go go kung aling channel ang may offer...
grab agad
Parang ganito lang kasi yan, ang isang employee pag feel nya hindi na sya kumikita, syempre lilipat yan sa ibang kumpanyang MAS MAYAMAN sa projects! This is obviously a sign that ABSCBN is really in costcutting measures.
Look nyo naman, sino ang mas binibigyan nila ng projects sa dos, ung mga lesser stars! Kasi MAS nakakatipid ang dos sa TF ng mga yan! Like Kim Chiu, Gerald, Jake, Santino, Erich, yan mga yan, obvious na mga super tiny stars lang! Wala pang big names! pero nasan ung mga tenured at batikang artista nila?? Nasa freezer ang career or pinag ge guesting na lang sila para makatipid! COMMON SENSE! ABSCBN sosyal?? Kelan?? NOON yun! dekada 90 pa non! Nasa 21st century na tayo at mas tinitingalaan ung mga companies na gumagastos ng makabuluhan at nagbibigay ng projects sa mga artista nnila!
1. baon na sa utang
2. iniiwan na ng maraming talents
3. di na makabawi sa mega manila
4. mahina na rin ang film outfit
5. generally, bad image
a nakikisawsaw sa politika wowowee nanganganpanya kay villar
b maraming iskandalo
c maraming dayaan
d proven nang pirata ng talents/newscasters
e kilalang maninira o mahilig gumawa ng kontrobersiya
f padding sa mga movies
sila rin ang may pinakapangit na transmitter tower sa metro manila!
aarchie
quot;Imbyerna ang iba during the welcome party sa SOP as I observed in their faces. Dapat priority ang nasa GMA na.quot;
di ipakita nila ang kanilang galing para sila ang mapansin! problema ba yun? kung talagang magaling ka kahit saan mapapansin ka!
very good move joross!
congrats GMA FILMS tinalo nyo ang STAR CINEMA sa MMFF.. SAAn na angas nyo
bstah 4 me,,,mkitah q lng nah hard working ang GMA no. 1 nah cla,,,d 2lad ng ABS,,,porke lam nlng no. 1 cla...prang wla lng sah knila f panget mga gnagwa nla,,,drating dn ang araw yang pnagmamayabang ngaun nah ABS,,,babagsak dn yan
gud luck JOROSS