Grieving Francine Prieto talks about last moments with her mom

Rose Garcia
Sunday, March 28, 2010 @ 06:03PM  |  33 views


  "At least sa ngayon po, tahimik na po siya. Happy na po siya. Nakita ko naman po sa mukha niya na happy naman po siya," said TV host Francine Prieto, whose mother, Amelia Falcon, died of ovarian cancer last March 26 at the age of 54.

Photo By: Noel Orsal













Nakapanayam kahapon, March 27, ni Butch Francisco ang naulila na sa ina na si Francine Prieto para sa Startalk. Naganap ang interview sa Arlington Memorial Chapels kunsaan kasalukuyang nakaburol ang mommy ni Francine na si Amelia Falcon.

Hindi lingid sa kaalalam ng marami ang ginawang pakikipaglaban ni Francine at ng kanyang ina para gumaling ang huli sa ovarian cancer mula nang ma-diagnose ito noong May 2009.

Tinanong ni Butch si Francine, na namumugto pa ang mga mata, kung kumusta na siya ngayon, considering halos one year din ang pinagdaanan nilang hirap?

"Hindi na nga umabot. Wala pang one year, yun, nagpaalam na siya. Dati, sinasabi ko na hindi pa siya ready. Pero nitong mga nakaraan, pumunta po sa amin yung presidente po ng Adamson University dahil taga-Adamson po ako. Si Father Greg [Rev. Fr. Gregorio L. Bañaga Jr., C.M.], ini-anoint po niya si Mommy. Hindi naman po dahil sa mamamatay na siya, ini-anoint niya lang.  Tapos, pinapunta rin po si Father Suarez [Fr. Fernando Suarez, C.C.], yung healing priest.

"Ang Mommy ko po, humingi po siya ng confession, dun po sa hospital, so, parang pinaghahandaan niya rin."

NO PREMONITION. Wala raw siyang nakitang senyales na mamamayapa na ang ina.

"Wala po... kasi nga, dumarami na naman yung fluid niya sa lungs. Dinala po namin siya sa hospital dahil ang tigas-tigas ng tiyan niya, ang sakit-sakit, na more than one month na po kaya siya dinala sa hospital.

"Ang tanging paraan na nga lang po para mawala yung fluid niya sa lung, yung 'pigtail,' yung catheter sa lung. Yun lang ang inilagay sa kanya, dun na po siya bumigay. Ang bilis ng pangyayari."

Sa kanyang Facebook account ay parang sinisisi niya ang naturang procedure.

"Naiinis ako sa kanya dahil ang tigas ng ulo niya. Actually, dapat noong isang araw pa po yun ginawa. Sabi ko sa kanya, 'Mommy, huwag ka nang magpalagay ng ganun kasi delikado,' ganyan-ganyan... E, sabi niya nahihirapan daw siya. So, nagtatalo kaming dalawa.  Pina-cancel ko yung pagpapalagay kasi baka mam'ya ano ang mangyari kay Mommy, ako ang sisihin. Kasi nga, hindi kami nagkakaunawaan.

"Finally nga, nakapagpa-schedule nga kahapon, yun yung nagbigay sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit siya nawala."

Kuwento pa rin ni Francine, "Actually, nakita ko po siya kahapon, alam ko na naghihirap na siya. Alam ko, darami ang fluid niya, hindi na siya makakahinga. Pero nang makita ko siya kahapon, nahirapan pa siya nang sobra bago siya mawala. Yun po ang masakit, e.

"Sana hindi na lang nangyari yun, sana hindi na lang siya nagising, mas okey pa."

MOTHER'S LAST "SEND." Nakapag-usap pa ba sila ng mommy niya?

"Tinext ko lang po siya kahapon. Sabi ko, 'Mommy, good luck po sa operation n'yo, I love you.' Yun lang po ang tinext ko sa kanya."

1  2  3  Next »

Related Articles

14 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name