Tatlong buwan na ang nakararaan nang unang ipakilala ng Nacionalista Party (NP) sa mga residente ng Vitas, Tondo, ang kanilang mga kandidato para sa darating na pambansang eleksyon sa Lunes, Mayo 10.
Kagabi, Mayo 7, muling bumalik ang mga kandidato ng NP sa pangunguna ng standard bearer sa pagkapangulo na si Senador Manny Villar sa Vitas, Tondo, para muling humingi ng suporta sa mga kababayan natin sa lugar na hanggang ngayon ay isa pa ring simbulo ng paghihirap ng mga mamamayang Pilipino.
Dating bahagi ng mahabang lupain na tinatambakan ng mga basura ng buong Kamaynilaan ang parteng iyon ng Tondo. Dito noon nakatira ang mga sobrang mahihirap na kabilang sa kanilang ikinabubuhay ay ang pangangalakal ng basura. Ngayon ay isang container port area na ang lugar at iba-iba na ang ikinabubuhay ng mga nakatira roon, kahit na makikita pa rin ang mga bundok ng basura at mga taong nakatira sa mga barung-barong.
PLATFORMS AND ENTERTAINMENT. Nang gabing 'yon, kinalimutan muna ng mga residente ang lahat ng trabaho at alalahanin para makisaya sa programa na handog ng NP sa kanila. Sinimulan ng theater actress-singer at TV personality na si Joy Viado ang programa. Kagat na kagat ng tao ang kanyang pagpapatawa at pagkanta. Sinamahan siya kalaunan sa entablado ng singer-comedian na si Cacai.
Isa-isang ipinakilala ang mga senatoriables ng NP na sina Gilbert Remulla, Adel Tamano, Pia Cayetano, Satur Ocampo, Liza Maza, Ramon Mitra III., Gwen Pimentel, Ferdinand "Bongbong" Marcos, Susan Ople, at si Martin Querubin, ang nagre-represent sa kandidatong si Col. Ariel Querubin, na nananatiling nakakulong sa Camp Aquinaldo.
May kani-kanyang speech at tipo ng panliligaw sa mga tao ang ginawa ng bawat isa, katulad ni Remulla na kinantahan sila ng "Nandito Ako." Tuwang-tuwa naman ang mga Ilonggo sa audience nang kausapin sila ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanilang wika, at hamunin ng senadora sa suntukan ang mga nangungurakot sa gobyerno.
VILLAR, WILLIE, DOLPHY PRESSCON. Habang patuloy ang pagpapakilala sa mga senatoriables sa entablado ay nagpa-mini presscon sa isang malapit na lugar sina Sen. Villar, kasama ang dalawa niyang endorsers na sina Comedy King Dolphy at Wowowee host Willie Revillame.
Sa mini-presscon para sa mga showbiz press, sinagot nina Sen. Villar, Willie at Dolphy ang mga maiinit na isyu tungkol sa kanila. Isa na rito ay ang pasaring na puro babaero daw ang endorsers ni Sen. Villar.
"Gano'n talaga ang buhay," pauna ni Willie. "Mas mabuti na yung maraming babae ang nagmahal sa amin kesa wala. Ibig sabihin mabuti kaming tao. Masama kung walang nagkagusto sa amin."
Sabi naman ni Dolphy, bakit daw ipinupukol ang intriga ng pagiging babaero niya noon kay Sen. Villar. "E, ako yun, e. Hindi naman siya. So, bakit kailangang idamay siya?"
Tungkol sa pangunguna sa surveys ni Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III sa pagkapresidente, ani Willie, hindi mapagkakatiwalaan ang mga survey dahil katulad ng nangyari kay dating President Fidel V. Ramos noong 1992 elections, kulelat daw ito sa mga survey pero ito pa rin ang nagwagi. Iba pa rin daw ang timbang ng limang libong na-survey kumpara sa buong bansang magdedesisyon kung sino talaga ang magiging presidente.
Binanggit ni Sen. Villar ang pahayag na binigay ni Francisco Tatad sa Philippine Daily Star noong May 6, tungkol sa Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, ang dalawang nangungunang public opinion polling body sa bansa. Ayon kay Tatad, na senatorial candidate ng Puwersa ng Masang Pilipino, ang SWS ay dating pinamumunuan ng pinsan ni Sen. Aquino na si Rafael Cojuangco Lopa, habang ang Pulse Asia naman ay ginastusan para ma-establish ng isa pang pinsan, si Antonio "Tonyboy" Cojuangco.
Sinagot ni Sen. Villar ang akusasyon na hindi naman daw siya talaga galing sa mahirap. "Paano nilang masasabing hindi ako galing sa hirap? Ang tagal kong nagtinda ng hipon sa Divisoria. 'Saka bakit ba nila kinukuwestyon pati pagiging mayaman ko? 'Wag nating kalimutan na mayaman din sila. Mga haciendero sila."
LAST SERENADE. Habang nagaganap ang presscon para sa showbiz press, nakasalang sa entablado si vice-presidential candidate Loren Legarda. Kumanta, nagtalumpati ng kanyang plataporma, at nanguna na ang senadora sa pagbibigay-pugay sa kanyang ina at sa lahat ng mga ina para sa Mother's Day bukas, Linggo, May 9.
Naghiyawan nang malakas nang sumalang na si Willie sa entablado, kasama ang mga ASF Dancers at Kembot Girls ng Wowowee.







Apologize to the desperate Dumagats of Norzagaray whose ancestral lands your bankrupt bank hocked to the Bangko Sentral, which in turn foreclosed their lands and their future.
Apologize to the urban settlers of San Pedro, and to the family of Quirico de los Santos, whose life was taken by your security guards when you or your assigns ordered the demolition of their shanties standing over land that was under the custodianship of the PCGG, over which you have no valid title.
Apologize to the many landowners whose ingress and egress over their titled lands you closed so that they would be forced to sell their lands to you.
And once again, apologize to the public who you fool with your ads proclaiming your “opposition” to a hated regime which now turns out to be your chief sponsor to succeed its misrule and its corrupt gov
VIllar and NOYNOY mga eskandaloso, mga tsismoso at nagsisiraan pa. Mga gastador pa! san nila babawiin yung mga ginastos sa ads?? sa mga TAO DIN!
mga kupalz!!
cno ba ngsv na galing xa mahirap dba xa din? kung tinatanong xa bout dun dapat nia lang sagutin..sa kanya naman nanggaling ung issue na un after all..
kung pro-poor xa he shoulve spared the dumagat people from bulacan
NON-STOP ELEKSYON 2010 COVERAGE STARTING 5AM ON GMA Channel 7, Q Channel 11, DZBB 594khz, GMA Pinoy TV, GMANEWS.TV,RGMA Network Inc. upang makapaghatid ng SERBISYONG TOTOO
=======================================
GMA News and Public Affairs
Walang Kinikilingan
Walang Pinoprotektahan
Walang Kandidatong Pinapaboran
=======================================
=======================================
GMA60 Touching Hearts Enriching Lives
=======================================
pep_dropper
May 9, 2010
10:41 AM
-------------------------------
alam mo ba na halos lahat ng pinoy lyk makapunta ng amerika...ipgssigawan na mga pilipino cla at makabayan pero ngtitiis pumila sa US embassy para makakuha ng visa at citizenship...pag nga naman US citizen ka madaming privileges....daming ipokrito/a sa pinas...
frenzy69
May 9, 2010
----------------------------------
lalo na pag nakaorange....ayaw ng mga dumagat ng kulay orange
Bagong Pangalan sa Bagong Kinabukasan
Tapusin ang Kahirapan!!
Hini lahat ng naka-dilaw ay BAYANI
President : MANNY VILLAR
Vice President : JOJO BINAY
Senators : MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO
BONG REVILLA
JINGGOY ESTRADA
ADEL TAMANO
SERGE OSMENA
BONGBONG MARCOS
GILBERT REMULLA
COL.ARIEL QUERUBIN
PIA CAYETANO
SATUR OCAMPO
LIZA MAZA
LITO LAPID
========================================
TATAYA KA BA SA DI PA SUBOK
AT WALANG NAGAWA???
========================================
peace
haha. true... madadaya na naman si loren kse talo sha.
Loren - give up - your time has passed. Move on and give up your self serving ambition.
You and Villar arent heading for Malacanang.
we will support u !!!!
mas gugustuhin ko pa na amerika ang maghawak satin kesa sa mga chinese or chinii kaso chinii din si noy waaa. what i mean is saklawan ng china mas mabuti na ang amerika ang sumaklaw sa pinas wag lang china, though matagal ng alipin ng mga ching ghung na yan ang marami nating mga kababayan if im not mistaken 85 to 90percent ang mayayamang chinii sa pinas at 10percent lang ata ang mga mayayamang pinoy arrgghhh.
malamang hindi nya gawin yan at kapag ginawa nya yan don pa lang ako hahanga sa knaya, alam mo naman si willie at kris ay iisa lang ng katangian lol...