Last Friday, May 7, habang nagmimiting de avance ang mga political parties, isang thanksgiving and victory party naman ang inihandog ng Regal Entertainment at GMA Films para sa kanilang joint production, You To Me Are Everything, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at ngayon ay box-office hit.
Bago dumating sina Dingdong at Marian sa ballroom ng Imperial Palace Suites sa Quezon City, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Roselle Monteverde-Teo, isa sa executive producers ng pelikula, at anak ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.
A MATCH FOR HOLLYWOOD FILMS. Magkano na ang kinita ng You To Me Are Everything mula nang magbukas ito nationwide noong Wednesday, May 5?
"Nung Wednesday, we had 16 million gross. As of today, we have about 26 million. And not only that, the response from the people who have watched the movie, maganda talaga ang feedback."
Nagdagdag pa raw sila ng 10 theaters noong second day?
"Yes," sabi ni Ms. Roselle. "Right now, we have over 100 theaters nationwide. So, magandang balita ito for us, and of course, for the Filipino movie industry.
"Kasi, as you can see right now, puro Hollywood big movies ang mga lumalabas ngayon, di ba? So, we're happy that we were still able to make it despite the fact na may mga big Hollywood movies.
"Plus the election. Ang mga tao, busy sa mga election activities."
Umaasa ba sila ng bigger gross ngayong weekend?
"Well, we're keeping our fingers crossed because we always wish for the best talaga!" masayang pahayag ng sinasabing tagapagmana ng trono ni Mother Lily.
SEQUEL. Masasabing hindi lamang sa telebisyon kundi pati sa pelikula ay napatunayan na ng tambalang Dingdong-Marian na patok sila sa masa dahil sa pag-hit ng pelikula nilang idinirek ni Mark Reyes.
"Talaga namang unbeatable," sabi ni Ms. Roselle. "For me, right now, na-prove nila na ang love team nila ay talagang may chemistry on the big screen. Kahit naman in real life, they're so much in love with each other! Hindi na maikakaila yun."
Ayon sa co-producer ng Regal na si Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films, hindi raw imposible na magkaroon ng sequel ang You To Me Are Everything.
"Kasi, marami ka pang puwedeng gawin sa istorya," pagsang-ayon ni Ms. Roselle.
May plano na ba o matatagalan pa?






humanda sila sa comeback teleserye nila sa primetime
Bitter! Bitter! Basta talo kayo.... Ano di kayo maka pag argue kasi kitang kita ang pila sa sineha at kahit saang sinehan nationwide pila as in pilang pila .... Bitters 1 week ng pinipilahan.......
Correct na correct ka! nag mamarunong mas mga engot naman sila! Eh ang yayabang kung makapanlait kay marian ung pala elementary spelling di ba alam! OMG! Lalo na ung kat de casto at uma kala mo kung sino..... Itong uma na to kala mo kung sinong makapanlait kay marian eh sya ung walang dignidad ang family.... ung nanang kat de castro di muna turuan ang mga pinanggalingan nyang matututo bago manlait at ang face and body pang FHM 101 he he he meron bang 101?
Sobra ka nang talunan humihirita ka pa... Lols at kelan naman nalugi si mother lily kay marian? LIAR! PAG TALO TALO!